Chapter 10

1.4K 73 44
                                    

CHAPTER TEN

SABADO NGAYON at imbes na maghanda para sa pagba-bonding namin ng boyfriend ko, tamad na tamad akong nakahilata sa kama habang tutok na tutok pa rin sa screen ng cellphone—hinihintay ang pagsagot niya sa sandamakmak na text messages at missed calls ko.

Tanghali na ko nagising dahil na rin mga nangyari kaninang madaling araw. Ayaw ko muna itong lubusang intindihin dahil may problema rin akong kinakaharap kaya pilit ko muna itong 'wag sumagi sa isip.

"Kaunti na lang talaga at pupuntahan na kita sa inyo," bulong ko sa sarili. I wasn't mad at all. Pagod na pagod na ako para magalit pa sa kanya. I just . . . I just want to see him. I badly need him right now.

I heaved a sigh. Nang mapadako ang tingin ko sa wall clock dito sa kwarto, muli na naman akong napabuntonghininga. It's already quarter to five and I realized that I wasn't eating anything since I woke up earlier.

Dahil wala namang ibang tao rito sa apartment, 'di na ako nag-abala pang mag-ayos. I didn't bother to brush my teeth or wash my face. Nangibabaw ang gutom na nararamdaman ko para alalahanin pa ang mga bagay na 'yon.

Pagpunta ko sa kusina at pagbukas ng mini fridge, mahina akong napamura sabay bulong ng, "Hindi pa pala ako nakakapag-grocery."

Ilang segundo ko ring tinitigan ang fridge kong walang ibang laman kundi mga bote at pitsel na may lamang tubig.

"I wasn't in the mood for this kind of joke," I said as I closed the fridge. "Gusto ko lang naman kumain pero bakit pati 'yon pinagkakait pa sa akin?" I frustratingly added.

Tinatamad akong mag-grocery pero ayaw ko rin namang magpa-deliver na naman sa fast food. Sobrang unhealthy at baka 'yon pa ang maging cause ng pagkakaroon ko ng problema sa kalusugan.

I was about to send a message on our group chat para magpasama na mag-grocery nang maalala kong baka pagod din sila.

"I guess, I need to be independent again," huli kong sabi sa sarili bago bumalik sa kwarto upang maligo at mag-ayos.

***

Masyado ata akong nagtagal sa CR at bandang alas-siete y media na ako nakaalis sa apartment para mamili ng food supplies. At kung mamalasin ka nga naman, sarado pa ang pinakamalapit na grocery store. Wala tuloy akong choice kundi sa may SM Supermarket na dumiretso.

Pagkuha ko ng push cart, sa may parte ng canned goods agad ako dumiretso. This is my first time not having a to-buy list for my food supplies. Sa sobrang lutang ko, hindi ko na naisip na ilista ang mga dapat kong bilhin.

"Bahala na nga," I whispered as I put some of corned beefs, sardines, and canned tuna in my cart. Pagkatapos pumunta ako sa parte kung saan naka-display ang mga instant noodles at kumuha ako ng iba't ibang flavor ng pancit canton at yakisoba. Kumuha rin ako ng iilang cup noodles na bulalo, batchoy, at sotanghon flavor.

After that, I went straight to the vegetables and fruits section. Mas malapit kasi ito kaysa sa snack section. Mamaya na lang ako mamimili ng mga chichirya.

Pagpunta ko roon, una kong dinampot ang mga paborito kong prutas: apple, grapes, mango, and orange. Bibili rin sana ako ng watermelon pero naisip ko na wala nang paglalagyan kaya next time na lang.

I'm in the middle of thinking if I'll buy the bittersweet gourd or not when a familiar voice spoke in the near of my left ear. "You are everywhere, hun."

Nagpintig ang tainga ko at nang makita ko na naman ang hitsura niya, halos mapaikot na lang ako ng mga mata. Wala pang twelve hours na sinabi kong gusto ko na siyang maglaho sa buhay ko but here he is, standing in front of me, smirking like an idiot.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon