Chapter 37

976 59 5
                                    

CHAPTER THIRTY-SEVEN

"CHIE, WAIT for me! Stop running away!"

Hindi ko siya pinakinggan at nagpatuloy pa rin ako sa pagtakbo. Muli na namang sumikip ang aking dibdib at naramdaman ang matinding pagkirot nitong puso kong akala ko, humilom na kahit papaano; pero hindi pa pala talaga.

Beep!

"Fuck, Chie!"

Habol-habol ko ang aking hininga nang muntikan na kong masagasaan. Mabuti na lang, nahila agad ako ni Eliseo sa gilid.

"Are you okay? Nasaktan ka ba?" tanong niya nang maiharap niya ako sa kanya. "Chie, ano ba nangyari? Bakit bigla ka na lang tumakbo't umalis? Gano'n mo ba kaayaw kumanta kasama ako? If that's the case, sana sinabi mo na lang. Hindi 'yong —"

"I remembered him," I said in a lower voice, cutting him off. "That's the last song he sang to me before he left. And I didn't know hearing that song again made me feel the pain he caused to me.

"Ang sakit, Ely. Ang sakit-sakit. Parang . . . parang bumalik na naman ang paulit-ulit na pagwasak ng aking puso dahil doon. Parang awtomatikong nag-flashback ang lahat ng nangyari."

"Sshh," he pulled me closer then hugged me after. "Tahan na, Chie . . ." He also caressed my hair.

Dahil sa ginawa niyang 'yon, mas lalo lang gusto kong umiyak. Akala ko tapos na ko sa phase na 'to. Bakit parang bumabalik na naman? Okay na ako, 'di ba?

"Everything will be okay, Chie. Nandito lang ako para sayo. I won't leave by your side."

***

"I texted them already. Sabi ko, nauna na tayong umuwi," Eliseo said after giving me a glass of water.

Nandito na nga kami ngayon sa condo. Sa totoo lang, ayaw ko pa talaga sanang umuwi pero dahil nagpumilit na siya (at para rin daw makapagpahinga na ako), tahimik na lang akong sumunod.

"Thank you," mahinang sambit ko.

Noon, hindi talaga ako sanay kapag binabalot kami ng matagal na katahimikan. Pero ngayon, na-a-appreciate ko na marunong tumimbang ng sitwasyon si Eliseo — kung kailan ba dapat mag-ingat at tumahimik.

"Ely," I called him. "Pasensya na pala sa abala, ha."

Imbes na magsalita, tinitigan niya lang ako at hinayaan ang kanyang mga matang nangungusap na ipabatid ang gusto niyang iparating.

After an almost minute-long of silence, he heaved a sigh. He then looked away. "So are you not yet over with him?"

I tried to read what he's thinking by looking at his facial expression but I failed. Parang taliwas ang ipinapakita nito sa kanyang iniisip.

"Do you still love him, Chie?"

Mas lalo lang akong hindi nakapagsalita sa tanong niyang 'yon. I didn't know what to say. Or what answer shoud I give. Because I even asked myself with the same question. Do I still love him?

"It's been almost six months, Chie, and I know that moving on is a process; but how could you still not get over with him despite of what he did to you? Bakit parang hanggang ngayon siya pa rin? Bakit parang hindi naman ata siya nawawala sa sistema mo?" he ceaselessly asked. And by the expression he's showing, he looked really clueless and curious at the same time.

I wanted to explain myself to him. Na kahit ako mismo ay hindi alam ang sagot sa mga katanungan niya; na ako mismo ay naguguluhan at nagtataka na rin. But I kept quiet. Hinayaan ko muna siyang magsalita dahil mukhang marami siyang gustong sabihin.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon