Prologue

5.5K 123 129
                                    

PROLOGUE

I'M HAPPY in my life. I'm genuinely happy with what I have right now.

In other words, I am contented.

I'm doing good in school. Pinag-aaralan ko ang gusto ko talagang course which is Business Administration major in Marketing Management. Pangarap ko kasing makapagpatayo ng coffee shop balang araw. Actually, pangarap namin ng parents ko . . . before they passed away. It was a car accident four years ago. Dead on arrival.

Since then natuto na 'kong tumayo sa sarili kong mga paa. Wala naman kasi kaming malapit na kamag-anak dito sa Pilipinas. Halos nasa ibang bansa na lahat, banda sa Europe naninirahan at nagtatrabaho.

Dagdag pa sa pagiging masaya ko ang pagkakaroon ng mga totoong kaibigan. I met them when I was in freshmen. Sina Julius, Karen, Maris, at Paolo. Tanggap kasi nila kung sino at ano ako. Walang sabi-sabi na tinanggap nila ako pagkatapos kong umamin na hindi ako tunay na lalaki at may puso akong babae. Hindi nagbago ang trato nila sa akin at mas lumalim pa ang pagkakaibigan naming lima.

At ang pinakarason kung bakit ko nasabing masaya ako ay ang boyfriend ko for two years, si Victor. I met him when I was in Senior High School. He's a bisexual. At first, akala ko pinaglalaruan niya lang ako. Alam niyo 'yon, 'yong typical na sasakyan ang trip ng mga nasa paligid dahil lang nalaman na may gusto ako sa kanya. Oo, I had a crush on him. Sino ba naman kasing hindi? He's a good guy after all. Plus factor na lang ang pagiging gwapo at mas matangkad niya sa akin. All in all, he's a boyfriend material . . . for me at least.

That's why when he confessed his love to me, hindi agad ako naniwala. Hindi agad ako nagtiwala. I mean, yes, he's capable to fall for me kasi nga bisexual siya. Pero hindi 'yon 'yong concerned ko that time. I was scared. Baka kasi . . . hindi niya naman talaga ako mahal. Baka . . . baka confused lang siya. Kaya no'ng pinatunayan niya talagang sincere siya sa akin, ayon, tuluyan na kong nahulog. Wala, e. Marupok din kasi 'tong puso ko.

"Love, why are you spacing out? Anong iniisip mo?"

I stopped thinking when I heard my boyfriend's voice. Nakahiga ako sa lap niya habang dahan-dahan niyang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Nandito kami ngayon sa apartment ko. Saturday kasi ngayon. Pareho kaming walang pasok sa eskwelahan at trabaho.

Hindi man kasi kami magkapareho ng eskwelahang pinapasukan, nasa iisang convenience store naman kami nagtatrabaho. Actually, that was his idea; na magsama kami sa iisang part-time job. Para raw kahit hindi kami araw-araw nagkikita (dahil nga hindi kami magkasama sa iisang eskwelahan), gabi-gabi naman kami nagkakasama.

Victor is an HRM student. Sa ibang bansa nagtatrabaho ang Mama niya habang wala naman na ang Papa niya. Sumakabilang bahay na. Sa Auntie niya siya nakatira ngayon dahil hindi siya pinayagan ng Mama niya na tumira mag-isa katulad ko. Kung ako nagtatrabaho dahil kailangan kong pag-aralin at buhayin ang sarili ko. Siya naman, out of boredom lang daw. At may pinag-iipunan din daw kasi siya. Mabuti nga at pinayagan siya ng Mama at Auntie niya, e.

"Hey, love. May problema ka ba? Kanina ka pa tahimik at nakatulala. Ni hindi ka na nga ata nanonood, eh," muli niyang pagsasalita kaya napatingin na ko sa mga mata niya.

Bumalik din ang atensyon ko sa pinapanood namin sa Netflix. Kanina pa kasi kami nagma-marathon ng iba't ibang movies hanggang sa nawala na ang isip ko at kung saan-saan na napadpad.

Roommate RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon