Electrostatic Attraction

Comenzar desde el principio
                                    

Pagkaupo namin ay agad na humalumbaba si Alec at pumikit. Inaantok pala kaya walang ganang mangasar.

May isang parte sa akin na gustong tanungin siya kung okay na siya. Kung ikaw ba naman kasi ang may takot sa dilim at maliliit na espasyo ang nakulong sa elevator, baka mashock ka at matrauma.

"Sophie," Mahinang tawag ni Alec sa akin. "Mukha ba talaga akong bampira?"

"Oo." Napangiti ako sa tanong niya. "Anak ka ba ni Dracula?"

"Hindi, pero sana nga siya na lang tatay ko." Pabulong niyang sagot.

Napakunot ang noo ko. "Bakit, Alec. Nasaan ba ang tatay mo?"

Ngumiti siya sa akin ng pagkatamis tamis. "Iniwan niya kami ni mama bago pa ako pinanganak."

Napatitig lang ako sa kanya. Halata ang hinanakit sa sinabi niya at parang nagaalab sa galit ang mga kulay ube niyang mata.

Kaya ba naging ganito siya dahil nung nawalan siya ng nanay ay wala siyang ibang matakbuhan dahil iniwan naman pala sila ng tatay niya?

"I'm sorry for asking."

"Madami ka naman nang nakita sa'kin. Why bother?" Tumingin sa malayo si Alec.

"You're giving me the knowledge to destroy you," Sabi ko sakanya. "Walang ibang nakakaalam ng kahinaan mo diba?"

"Then destroy me now," Sagot niya na tiningnan pa ako na parang nagmamakaawa. "Nakakasawa na din naman tong buhay ko."

Natigilan ako sa sinabi niya. Habang tumatagal na nakakasama ko siya ay lalo kong nalalaman ang mga kahinaan niya. Hindi totoo ang lahat ng nakikita namin sakanya. Dahil ang malakas na Alec ay isang maskara lang ng totoong mahinang siya.

May sasabihin sana ako kaso nagsimula na ang seminar at pareho na lang kaming nakinig ni Alec---este, ako na lang pala ang nakinig kasi natulog na ulit siya.

Matapos ang mahabang paglelecture sa amin ay pinatayo kaming lahat ng speaker. Sumunod ako pero dahil nga natutulog si Alec ay siya lang ang nanatiling nakaupo.

Nakita si Alec ng speaker kaya tinanong ako nito.

"Okay lang ba yang katabi mo?"

"Opo,"

"Well, gisingin mo siya dahil may gagawin tayo."

Tinapik ko naman si Alec sa balikat at pinatayo. Dahil tinatamad sigurong awayin ako ay sumunod na lang siya. Medyo pinagtitinginan na din kasi kami.

"Now, I want you to concentrate with the person beside you." Sabi ng speaker.

"This is ridiculous, you know that, right?" Bulong ni Alec.

"Sumunod ka na lang,"

"I want you to think why you're with them. Masaya ka ba na kasama sila or napipilitan ka lang?"

"Napipilitan," Ngiti ko. Inirapan lang ako ni Alec.

"You see, respect comes in two forms. Love and fear." Pagpapatuloy ng speaker. "Kung friends kayo and you enjoy being together, then obviously, kahit walang magsabi ay magsasama kayo. But you can also be with a person because you fear them or have a fear of someone or something else kaya ka napipilitan pakisapamahn sila."

Parang kami ni Alec, napipilitan lang naman akong samahan siya kasi ayokong magkarecord sa discipline's office.

"Ano ang mas maganda pakinggan? Yung love o fear?" Tanong pa ng speaker.

Syempre "love" ang sinagot ng karamihan.

"Exactly. So sa activity natin ngayong araw, magbobonding kayo ng partners niyo."

Polar OppositesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora