Rainier 1

2 0 0
                                    

"Anna, sasagutin ko si Rainier ha."

Tumingin sa akin si Anna, hindi kumbinsido sa sinabi ko. Nag usap na kami dati tungkol dito. Pagkatapos lang ng debut party at lagi na kaming magkausap ni Rainier.

Hindi sa ayaw niya sa akin para sa pinsan niya. Though naiinis siya sa akin kasi ang bilis ng mga pangyayari. Nabola daw ako ng todo nung tao.

Ang totoo niyan, ayaw niya sa pinsan niya para sa akin. She knows his cousin too deep at baka daw kasi lokohin lang ako, magi guilty daw siya at magagalit kay Rainier.

"I warned you." Sabi niya. Namroblema bigla. "Sure ka ba diyan?"

"Ill give him a chance." Confident kong sagot.  Tigas din ng ulo ko talaga.  Walang makakapagpabago sa isip ko once i set myself into doing something.

"Chelsea, kung dahil to kay Warren.."

Umiling ako.  "No.. no.. it has nothing to do with Warren anymore.  Alam mo yang pinsan mo, napapasaya nya ako. I think im starting to like him.  A lot."

To make the long story short, sinagot ko siya.

Noong una, it was very ideal. Ilang beses niya na akong pinupuntahan sa school at aaminin kong masaya ako pag ginagawa niya yun.

Lalo na pag nakikita kami ng mga dati kong ka block na kilala si Warren. I wanted them to see us para makarating kay Warren na kaya ko ring maghanap ng kapalit niya. Mas guwapo pa.

But later on, lumabas din talaga ang pagka fuckboy ni Rainier.  Magkasama kami pero madalas may mga tumatawag or nagti text sa kanya.

He raised one particular character in me na hindi ko alam na meron ako - jealousy. Hindi naman ako ganito dati. But with him, naging sobrang selosa ako. Yun ang palagi naming pinag aawayan.

And then one day, he never showed up again.

Buti na lang tapos na ang semester. Before my friends could ever tell me 'i told you so' and looked at me with pity, nag file na ako ng transfer sa ibang school.

We never see each other after that.

And Rainier, i just consider his presence as temporary filler on my ego. And the lousiest boyfriend ever.

Please Anna, no offense.

_

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now