Jace 1

4 0 0
                                    

Ilang beses pang naulit ang bulaklak. May kasama pa ring chocolates. Minsan stuff toys. Minsan take out foods. Minsan kahit kwek kwek lang basta laging meron.

He's pursuing me with his gifts. Pero hindi siya mukhang nagdi display ng kaperahan. Hindi mayabang ang dating. Most of my tropa finds him so cute manligaw. At mukhang proud na proud siya sa ginagawa niya. Walang makikitang bahid ng kahihiyan despite our age difference.

Yun ang nakalagay sa love letter na nakaipit mula sa una niyang regalo sa akin. Na love at first sight daw siya sa akin. Yung nakita niyang lungkot sa mata ko nung una kaming nagkita, yun ang nakapagpa attract sa kanya sa akin. Na parang tumagos daw sa puso niya. Na ibang klase daw akong babae. At nangako siyang aalisin niya ang lungkot na yun no matter what.

Ginawa pa akong case study.

But i have to admit, i love the attention he's giving me. Ang cute niya talaga kasi.

None of my previous suitors is like him. Yung parang mas matanda pa sa akin magsalita. He's truly matured for his age. At effortless siya kaya alam kong natural sa kanya ang pagiging ganun. Hindi nagpapa impress lang para mapansin.

"Ang cute naman ng teddy bear!" Salubong sa akin ng ate ko. Dala dala ko na naman galing sa school. As usual bigay ng napaka sugid na si Jace. "San mo nabili yan?"

"Sa ukay te." sagot ko. Marami na kasi akong collection. Yun ang idinahilan ko para wag na magtanong. Hindi nila alam na regalo lang lahat. Saka sapat lang ang allowance ko para makabili ng brand new.

"Cute."

Jace:  Veron!

Bihira siyang mag text sa akin kasi hindi ako sumasagot. Nasanay na siya na mas personal niyang sinasabi sa akin ang mga dapat kong malaman.

Except today.

Jace: Veron, im sorry ok. Wag kang magagalit.

Nakatingin lang ako sa phone ko. Curious  na curious by the minute.

Veron: Bakit, ano bang ginawa mo?

Jace: Im outside your house.

Nanlaki ang mata ko. What the hell? Seryoso ba siya? Hindi niya naman alam ang address namin eh. Unless..

Veron: What did you do?

Jace: Sinundan kita. Im sorry. Please wag kang magalit. Gusto ko lang namang ibigay yung mommy nyang teddy bear na dala mo ngayon eh.

Sumilip ako sa bintana ng kuwarto naming magkakapatid.

Shit, nasa harap nga si Jace. Nakaupo sa pavement habang nagtitipa sa phone niya.

At nasa tabi niya ang malaking teddy bear na kapareho ng ibinigay niya kanina.

Jace: Ilalagay ko na lang sa harap ng gate nyo ok. Wag ka ng lumabas. I love you!

Nag flying kiss siya sa gawi ko saka umalis na nakangiti.

Luko lukong lalaking to ah. Ipapahamak pa ako kina Ate.

Pagkalipas ng ten minutes bago ko pinuntahan ang teddy bear na nakatambay sa gate.

"O san naman galing yan?" Si ate.

"Inutang ko."

Alam kong walang sense ang sinasabi ko pero hindi rin naman nag react ang kapatid ko.

"Wag na wag mo na uling gagawin yan!" I scolded him the moment i saw him again.

"Ang puntahan ka sa bahay nyo?" Jace said. "But this is the only way to show you that im serious, Veron."

"You dont understand!" Sobrang naiinis ako. He just dont get it. I cant love him. May boyfriend ako. Pero hindi ko masabi sa kanya. "Basta hindi puwede."

"Is it because of what people are saying about you? Na easy to get ka? Para sabihin ko sayo hindi ako naniniwala dun." Seryoso siya ng lagay na yan. "I saw a part of your soul, Veron. Alam kong hindi ka ganyang klaseng babae. At wala akong pakialam sa sasabihin nila. I love you. Yan lang ang alam ko."

He's crazier than i think.

"Ok, kung makakagaan sayo hindi na kita pupuntahan sa bahay nyo." Siya rin ang sumuko. "I feel that there's more than what i need to know for now pero hindi kita pipiliting sabihin sa akin. Pero hindi mo ako mapapasuko sayo, Veron! I am willing to wait hanggang magustuhan mo rin ako."

"Baliw ka ba?" Pilit ko pa. Nakakainis! Ang kulit!

"Halika!"

Hinila niya ang kamay ko at nakatawag agad ng taxi. Hindi pa ako nakakahinga binuksan niya na agad ang pinto.

"Saan mo na naman ako dadalhin?"

Hindi ako pinansin ni Jace. Ang driver ang kinausap niya at binigyan ng instruction.

After 15 minutes, nasa harap kami ng isang magandang bahay sa isang exclusive subdivision sa kabilang bayan.

"Kaninong bahay yan?" Pasuplada kong tanong. House party ba to na hindi ko alam?

Hindi ako sinagot ni Jace. Nagbayad lang siya sa driver pagkatapos naunang bumaba para pagbuksan ako ng pinto sa side ko.

Hindi ako sanay sa mga ganitong gestures. Kaya ko namang magbukas mag isa pero sadyang gentleman talaga ang totoy na to.

"Lets go."

Hawak hawak niya ang kamay ko. Nagpatianod na lang ako para mas maaga na kaming makauwi. Naka uniform pa ako utang na loob.

Namutla ako nang bumungad kami sa salas. Nasa loob ang humigit kumulang limang tao. Nasa harap ng tv ang isang ginang na kamukhang kamukha ni Jace. Sa kabila yung dalawang matanda na palagay ko lolo at lola niya. Nasa carpet naman nakasalampak ang dalawang babaeng mas nakakabata sa kanya.

Damn, nasa bahay nila kami. He's indeed the craziest!

Nakangiti sila pagpasok namin pero nabaling ang tingin sa kamay naming dalawa na magkahawak pa rin.

"Hi anak!" Sabi ng magandang ginang.

"Veron, ang mommy ko. Ganda nya no?" Sabi ni Jace, hindi niya binitawan ang kamay ko. "Lolo at lola ko. At itong dalawang to, little sisters ko. Everybody, this is Veron."

Nag smile sa akin yung pinaka bunso. Cute niya rin. "Kuya, sino siya?"

"Magiging girlfriend ko kung sasagutin niya ako." Walang gatol na sagot. "Ganda diba? Bagay kami!"

Pulang pula na ako, hindi talaga ako makapagsalita. Sobrang shocking to. Hindi lang meet the parents. Meet the family!

"G-Good afternoon po!" Sabi ko na lang. Hiyang hiya talaga. Nag bless ako sa mga lolo at lola niya. Lumapit sa akin ang mommy niya para sa beso beso.

Oh my god.

"Tara snacks muna tayo Veron." Sabi ni Jace at hinila ako sa dining room. "Dumaan lang kami mom. Ihahatid ko pa kasi siya sa bahay nila."

"Ok anak."

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now