Dustin 4

9 0 0
                                    

They say life has so much to offer if you deal with it wisely. In my case, im pretty sure i had a taste of every good and bad. And somehow it made me who i am today.

I am now a 28 years old mother with a good career. Married to the man i chose to be with forever. Our marriage is not perfect but we manage. I manage. And we have two beautiful kids.

Pero hindi pa rin tapos ang tadhana sa pagpipilit kaming paglapitin ni Dustin.

"Maam, phone po. Dustin daw." Sabi ng secretary ko. Nasa trabaho ako at busyng busy sa mga binabasang annual reports.

Kumunot ang noo ko. "Surname?"

"Ayaw sabihin maam eh." Naalangan ang secretary ko. SOP naman kasi yun. At pag ganitong nagsusungit na naman ako, alam niyang puwedeng uminit ang ulo ko.

Napahinto ako sa ginagawa. Napatingin ako sa phone sa harap ko.

Dustin.

Isang Dustin lang ang kilala ko sa buong buhay ko.

Please, its not him right?

"Maam.."

"Ill take it." Sabi ko na lang.

Please. Please yes or please no?

"Hello?"

"Rave.."

The way he calls my name. I will never forget his voice. I will never get over this nervousness kapag kausap ko siya. I will never forget him.

Siya nga! Its surprising na na hunting niya ako.

Isang araw daw masyadong malakas ang ulan kaya huminto siya sa isang establishment sa lugar namin. At sa lahat ng lugar talaga, sa harap pa ng bahay namin. Nakausap niya ang may ari ng convenience store at kinonfirm kung bahay pa ba namin yung nasa harap.

Tsismoso din yung kapitbahay namin. Sinabi kung ano ng update sa buhay ko, na may asawa na ako at madalang ng umuwi sa bahay ng mommy ko. Na may dalawa ng anak at kung saan ako nagtatrabaho.

Hindi na daw siya mapakali pagkatapos ng insidenteng iyon.

Kaya una niyang hinanap ang contact number ng opisina and voila! Heto kausap ko na siya.

Nagtatrabaho siya sa isang sikat na gasoline station chain. In charge of operations.

"Ang ganda mo pa rin!" Sabi niya nang minsang mag dinner kami sa labas. First time kong nag dinner out sa trabaho. Napaka workaholic ko para magsayang ng oras kaya sa opisina lang ako lagi kumakain. Unang beses ito kaya alam kong magtataka ang mga staff ko.

Curiosity got the better of me.

"Thank you, Mr. Juarez." Sabi ko. Ang totoo hindi ako komportable na makita kami sa public na magkasama. I feel so guilty kasi alam kong may malisya lagi. Hindi kami kailanman magiging friends.

Pero parang sulit naman. Kasi ang guwapo niya pa rin. Bagay na bagay sa kanya ang Corporate outfit.

Pero alam kong hindi siya masaya. Nakikita ko sa mukha niya ang lumbay. Hindi siya ganito. Hindi ganito ang disposition ng batang Dustin na minahal ko.

"Pero mas sexy pa rin sayo si Dana." Kapatid niya yun. Na naka close ko rin. He's trying to be funny pero hindi umaabot sa mata ang ngiti.

Umingos ako. "Yeah right."

We talked for nearly two hours. Limitado ang oras dahil sa trabaho kaya kailangan naming maghiwalay.

Pero yun ang pinaka masayang catching up naming dalawa. Update mula sa pamilya niya at akin. Update sa personal life naming dalawa.

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now