Dustin 3

4 0 0
                                    

Hindi na ako umaasa pero pagkatapos ng gabing iyon hindi tumigil ang communication namin ni Dustin. He would often message me when he wakes up, during school and before he goes to sleep.

Hindi namin pinag uusapan ang girlfriend niya.

Its like a little bubble that we made for ourselves. And its here for us to enjoy it for a while.

Kaso reality check, hindi na siya malaya. Na emphasis yung denial naming dalawa when one day kinontak ako ng girlfriend niya. Jane daw ang pangalan niya at gustong makipagkita. Hindi daw alam ni Dustin.

I obliged. Out of curiosity.

Nagkita kami sa food court ng isang mall. Sinadya kong magpa late para mauna siya sa venue. Alangan namang ako ang maghintay sa kanya diba?

The way she described her nakita ko siya kaagad. Naka uniform ng nursing student sa isang university malapit sa amin. Ako din nakasuot din ng university uniform. May kasama siya. Dalawa. Napapagitnaan siya.

Dire diretso ang lakad ko papunta sa upuan nila. I confidently approached them kasi tama ang hinala ko. Ang layo ng girlfriend niya sa ini imagine kong magugustuhan ni Dustin. She's not striking, the likes of Nathalie. Or attractive, the likes of me. Ang simple niya at hindi kagandahan. She slouched when she sees me. Parang nabigla na ako pala ang hiniling niyang i meet. Parang nagsisi pa kung bakit niya ako kakausapin ngayon.

"Im Raven." I told them. "You asked to meet me."

Hindi siya nakapagsalita.

"Jane right?" Sabi ko pa. "If we are going to talk, i want your friends out of the picture. Hindi ako eskandalosang tao kaya hindi mo kailangan ng back up."

Nagtinginan ang tatlo. Saka napilitang umalis ang dalawa.

Pag alis nila, tahimik lang akong nakaupo sa harap niya. Naiiyak na siya kaagad hindi pa ako nagsasalita. I just crossed my arms.

"T-That ring.." she said. "Saan mo nakuha yan?"

I looked at my finger. Naiwan ni Dustin sa apartment ang singsing na to nang huli kaming magkita. I wore it para hindi mawala. Shit, hindi ko naman alam.

Umiiyak na siya. "Sa akin galing yan eh. Ibinigay ko kay Dustin."

Shit, bakit ko ba kasi isinuot? Ayokong makagulo, hindi ko naman alam. I didnt mean anything.

"Kung anuman ang meron kayo ni Dustin, please putulin mo na." She said still sobbing. "Mahal na mahal ko siya, Raven. Tinulungan ko siyang maka recover nung iwan siya ng pinsan kong si Nathalie. Hindi ko siya iniwan hanggang ngayon. OK na kami eh. OK naman kami dati. Pero nagbago siya bigla. Dahil sayo? Please nakikiusap ako. Napakarami na naming pinagdaanan. Kayo ngayon pa lang. Please nakikiusap ako.. mahal na mahal ko siya."

You have no idea kung ano ang mga pinagdaanan namin, what the fuck.

Ano ang sabi niya? Pinsan niya si Nathalie?

Galit ako. Galit na galit ako kay Dustin. Hanggang ngayon, ang babaeng iyon pa rin ang umiikot sa sistema niya. Hanggang sa pagpili ng girlfriend, konektado pa rin sa babaeng iyon?

Kelan ka matututo? Kelan mo siya makakalimutan? Kelan ka makaka move on?

I so fucking hate him!

Parang natunaw ang chance na inaasam ko. Habang tinitingnan ko ang babaeng to sa harap ko, saka ko naintindihan na sa estado ng buhay ni Dustin ngayon, siya ang kailangan niya. Submissive, someone who will baby sit and understands his every whim.

He's too damaged to be taken by me. Beyond repair. Wala akong maitutulong sa kanya sa ngayon.

Damn you, Dustin! Kahit kelan! Damn cousin.

"Jane, if i want to get Dustin from you, Im telling you I can!" Sabi ko sa kanya. "But you know what, i will not do it. Bagay naman kayo eh. Dont worry hindi ako threat sa relasyon nyo."

Tumayo ako agad. This is suffocating. Gusto ko na kaagad makaalis dito.

"Thank you, Raven. Aam, that ring.."

I stopped pero hindi ko siya nilingon. And after a sigh, i walked out fast. Mabilis. Hinding hindi na ako lumingon ulit.

Nang makalabas ako sa mall. Hinubad ko ang singsing at itinapon sa daan.

Hindi na ako nakipagkita kay Dustin pagkatapos ng araw na yon.

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now