Jace 2

3 0 0
                                    

Nasanay na ako at ang mga tao sa paligid ko na laging nakasunod sa akin si Jace. Araw araw niya akong sinusundo sa school para ihatid lang naman sa sakayan. Kapag may lakad kami ng tropa, minsan hindi ko na sinasabi sa kanya pero nalalaman niya lagi at parati sumusulpot siya lagi sa mga lakad namin. Hindi ko alam kung paano niya nalalaman kung nasaan ako.

He's not into party pero kapag nasa club kami, palagi pa rin siyang nakasunod sa akin. Nakaalalay lang siya lagi para kapag nalasing ako, sinisiguro niya na hindi ako mababastos at may maghahatid sa akin na hindi nakainom sa sakayan.

Palaging ganun sa loob ng ilang buwan. Bakasyon na and soon enough graduating na ako sa high school. Siya naman incoming second year!

Hindi ako nahihiya na kasama siya dahil inaamin ko, hindi siya boring.

Kaso lang, naiinis ako na gustong gusto ng tropa na andiyan lagi si Jace sa mga lakad namin. Napakagalante kasi. Libre niya kami lagi sa pagkain at sa inumin. Na ayoko naman.

Iba yung tipong hindi lang makatanggi sa talagang nagti take advantage na sa kabaitan niya. Kaya later on, hindi na ako sumasama sa mga gimik ng tropa. And we ended going out na kami na lang dalawa.

Pagkatapos niya akong sunduin sa school, madalas nagmemeryenda lang kami tapos uuwi na. Pag weekends naman kung saan saan kami namamasyal pagkatapos magsimba.

Aaminin kong nag eenjoy ako sa company niya. He makes me happy, he makes me think off things. He makes me forget my loneliness dahil wala pa rin yata planong makipagkita sa akin ang sarili kong boyfriend.

Nung araw na nalaman kong may iba ngang babae si Darrell at sa lahat ng tao ang bestfriend niya pa talaga. Iyak ako ng iyak nun sa balikat ni Jace. Hindi niya ako tinatanong kung bakit ako umiiyak pero hindi siya umaalis sa tabi ko.

Luhaan pa ako nang bigla kong kuhanin ang coin purse ko at tingnan ang laman. Kasya pa naman.

"Samahan mo ako Jace." Sabi ko.

Dinala ko siya sa parlor. Nagpagupit ako ng buhok sa paborito kong stylist.

Buhok ang napagdidiskatihan ko kapag depressed.

Nakita kong panay ang tingin ng bakla sa kasama ko imbes na sa mata kong mugtong mugto pa. Nagtatanong ang mga mata habang nakadikit ang dalawang daliri. Nag uusyoso kung kami daw ba.

Ngumiti lang si Jace.

"Manash, mas maganda sana kung kulayan natin ang buhok mo." Sabi ng bakla. "Mas lalambot ang features ng mukha mo. Bagay sayo ang ash brown."

I agree, magandang ideya yun. Pero sinabi kong wala akong budget para diyan.

"Its ok, Veron." Sabat ni Jace. "Pakulay ka. Ako na ang magbabayad."

Damn this boy!

Tuwang tuwa ang bakla. Kinuha agad ang pangkulay para hindi na ako makareklamo.

"Sarap talaga pag mayaman ang jowa!" Pumalatak ito.

Natatawa na lang ako kay Jace. Alam na alam niya kung paano ako imanipulate na hindi ako makakatanggi. Alam niya namang hindi ako materialistic.

"May party sa bahay namin. Punta ka Veron." For the nth time, nilapitan ako ni Xynthie. Siya talaga ang bestfriend ko mula first year.

Ang kulit din! Iniiwasan ko na nga sila eh. Kasi sila lang ang nakakaalam ng tungkol kay Darrell.

Pero inaamin kong namiss ko na silang lahat. Kaya tumango ako bilang sagot.

"Pero bes, ok lang ba na may plus one ako?"

Humalakhak si Xynthie. "Ah si Jace. Oo naman! Anino mo yun eh."

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now