Jace

4 0 0
                                    

I am a playgirl.

Yun ang sabi ng mga tao sa paligid ko. Ang paratang sa akin ng mommy ko. Ang laging sinasabi sa akin ng mga kapatid ko.

But for me, based from the word's real meaning parang hindi naman.

Mula nang magbago ako ng image mula sa isang simpleng estudyante na naging moderno sa pananamit, nagpakita ng kaunting flesh at sumunod sa uso ay marami na ngang mga lalaki ang sunod ng sunod sa akin.  Marami ang nagpakita ng interes na manligaw, naghahangad na maging girlfriend ako.

True, i accepted their flowers, i talk to them, i entertained them kasi hindi naman ako snob. Pero wala ni isa man sa kanila na pinayagan kong pumunta sa bahay para manligaw ng maayos. And because of that, the impression that i am easy spread out like a wildfire kasi daw puwede akong ligawan sa daan.

But the truth is, kapag nagpahiwatig na ang isang lalaki na gusto niyang manligaw, sinasabihan ko kaagad na hindi puwede. Na hindi ako interesado. Mostly sa kanila parang ok naman na tropa tropa lang. O nagtitiyaga kasi baka magbago ang isip ko.

Pero hindi. Kasi may boyfriend ako at hindi nila alam yun.

Im having a rocky time with my steady boyfriend Darrell who's studying in other school pero nananatili akong faithful sa kanya. Kasi siya lang talaga ang mahal ko.  Hindi man maayos ang communication namin ngayon, para sa akin siya pa rin ang nag iisa kong first love.

"May bagong bukas na bar sa kabilang bayan ah." Sabi agad ni Melissa, isa sa mga bago kong katropa ngayon. Magkababata kami pero dahil lumipat siya ng school, hindi na kami naging close. Ngayon na lang ulit. Madalas kasi nakakarag nila ako na pumunta kung saan saan pagkatapos ng klase.

"Maganda ba?" Tanong ko. "Tara punta tayo mamaya?"

"Kung papayagan ka!" Sabi naman ni Carlota.

Mayabang akong ngumiti. "Akong bahala!"

"Remember girls, we're underage. Hindi tayo makakapasok kung wala tayong backer." Patuloy ni Melissa. "Veron, tawagan mo si Patrick. Kailangan natin ng sasakyan saka kilala nun ang may ari. Im sure magagawan niya ng paraan na makapasok tayo."

Umingos ako. "Ayoko, girl. Galit sa akin yun eh. Binasted ko nung Sunday."

"Hmmm, si Mario kaya?" Isa rin sa mga manliligaw ko ang sinasabi ni Carlota.

Lalo lang akong umiling. "Gusto mo bang isama niya rin yung bago niyang gf? Baka pagselosan pa ko nun."

Sabay sabay kaming natahimik.

"Actually, i have someone in mind na." I said. "Kilala nyo ba si Bernardo? Yung anak ng may ari ng Kubo restaurant sa bayan?"

"Yay, mas matanda tayo dun ah. First year pa lang yun eh." tanggi agad ni Melissa. "Paano tayo matutulungan nun?"

"Akong bahala!" Confident kong sabi sabay kuha ng phone ko para tawagan siya.

True enough, five hours later, nakaupo na kami sa loob ng bagong bukas na restobar. Maganda ang ambiance at mukhang pang mayaman. Ang mga crowd mga college students na galing sa kabilang bayan. Kami lang ata ang high school students dito pero hindi naman halata. Malaking bulas ang mga katropa ko lalo na pag ganitong naka party outfit.

"Ayos ba?" Sigaw sa akin ni Bernardo. "Welcome to the club!" Hindi rin mukhang totoy si Bernardo sa hitsura niya. Malaking bulas din at maganda ang katawan dahil athlete siya.

"Ayos na ayos, Bern. Thank you so much!" Sigaw ko rin sabay thumbs up. 

Actually, he just owed me one favor before. At ito ang kapalit. Kung paano niya nagawan ng paraan despite our ages hindi ko alam at hindi ko na rin tinanong. Basta ang importante andito kami ngayon.

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now