Warren 3

2 0 0
                                    

Warren is different from other guys that i got involved with.

Kung nasaktan siya sa ginawa ko, he never showed it. Basta hindi na lang kami nag usap. Hindi niya na ako nilapitan.

Walang tanong tanong kung ano yung sulat na yun. Walang confrontation. Walang paglilinaw kung bakit at paano nangyari na basta ko na lang siya binreak sa napakababaw na dahilan na binanggit ko.

In other words, walang drama. He just.. totally ignored me.

"Anong nangyari?" Kumakain kami ng lunch ng mga kaibigan ko. Same pa rin naman. Pwera lang sa hindi na sa amin sumasabay si Warren. Bumalik siya sa mga dati niyang tropa bago kami naging official.

Nagkibit balikat ako. "We broke up."

"Bakit?" Si Anna. "Ok naman kayo last week ah. Sabi mo nga nag date pa kayo. Anong pinag awayan nyo?"

"Wala." I simply said. "I just want out."

"Sayang naman!" Rhea said. "Kung alam ko lang na break up letter yung pinabigay mo sa akin, dapat pala itinapon ko na lang sa basurahan." Guilty siya kasi siya yung pinakiusapan ko.

"Guys, please dont make it a big deal." I tried to smile. "Ang totoo, hindi ako in love sa kanya nung sinagot ko siya. Im just.. curious. Kaya mabuti na rin yung maagang natapos yung relationship."

"Maniwala ako sayong hindi ka in love!" Si Natalie ang nagsalita. Siya talaga ang pinaka pranka sa amin. "You love him, Astrid. You are just a fool for breaking up a good guy."

"Baka naman maayos nyo pa." My friend Evelyn yung pinaka motherly sa amin lahat.

"Or not?" Umirap si Anna. Nakatingin siya sa entrance ng canteen.

Sabay sabay na nagsilingunan ang mga ka table ko.

There's Warren, looking untidy sa mas lalong humaba niyang buhok. Kasama ang pinakasexyng babaeng nakita ko sa buong buhay ko.

The girl is petite like me. Pero ang liit ng baywang at ang laki ng boobs. Parang aapaw sa suot niyang v-neck na white t shirt.

Patay malisyang tumingin sa akin ang mga kaibigan ko.

"Laki naman niyan!" Hindi napigilan ni Rhea ang magkomento.

"What the H!" Sigaw naman ni Anna.

I just smiled.

Isang maasim na ngiti. Dahil hindi ko inaasahan ang bugso ng selos sa kaloob looban ko.

He's mine! Bakit may iba siyang kasama?

He never looked in our direction. Diretso lang sa table nila ng mga kaibigan at nagkasiyahan na habang kumakain kasama ang babaeng pinagpala.

Iniyakan ko yun. Iniyakan ko yun ng maraming gabi.

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now