Warren 1

2 0 0
                                    

I didnt expect that ill get so many friends in an instant. Eleven kaming nagka grupo grupo at palaging sabay sabay kumain. Nao-occupy namin ang isang buong long table kapag kumakain kaya ang hirap maghanap ng bakante kapag peak hours.

"The usual?" Tanong ni Anna sa mga kagrupo namin. Nang magsitanguan sila tumayo na ako para sumama kay Anna sa pag order. Ang usual na tinutukoy niya ay ang sweet beef dish na paborito nilang lahat. Ako naman, alam nilang hindi kumakain ng matamis na ulam kaya ako lagi ang naiiba. They dont mind though.

"Pink kahapon, blue naman ngayon." Puna ni Olivia. Nail polish ko ang tinutukoy niya.

I smiled sweetly. "Siyempre, match sa damit ko." showing my oversized shirt with a large mickey mouse printed on it.

"Ganda!"

"Ready na ba kayo sa recitation mamaya?" Nakasimangot si Maricel. "Hindi ako masyadong nakapag aral eh."

"Sana hindi tayo matawag." Sang ayon ni Natalie.

"Ikaw Astrid? Ready ka?" Tanong ni Maricel.

"Hmm, kinda!" I said and smiled. Nagsitawanan ang mga kaibigan ko at ginaya gaya kung paano ko sabihin ang "kinda".

True enough, kapag ganitong recitation nagpiprisinta ako kaagad kapag nagtawag ng volunteer. This time ang weird ni maam, pina recite sa akin kung ano ang alam ko sa lesson namin ngayong araw. Di sinabi ko naman lahat.

"Harap ka sa mga classmates mo, Miss Montemayor." Instruction ng professor.

Humarap ako sa kanila habang patuloy na nagsasalita. Halos maubos ko ng sabihin ang buong chapter. Napapangiti na ang mga kaklase ko.

I was not affected before. Pero habang nakatingin ako sa mga kaklase ko, somebody caught my attention. I forgot his name pero titig na titig siya sa akin at bigla akong na conscious. And conscious Astrid is supladang Astrid din.  Umirap ako sa kanya.

Kung yung iba naming kaklase tuwang tuwa sa akin kasi ang cute ko sigurong tingnan na ang bilis bilis magsalita sa harap, siya naman nakatingin lang sa akin.

"Oh is that all, Astrid?" Sabi ni maam nang tumigil na ako.

"Tama na siguro yun maam. Baka ang tagal ko ng nagre recite eh. Baka magalit sila." Nagtawanan ang buong klase.

"Well done, Astrid." Sabi ni maam. Tumataginting na 95 ang grade ko. "Ok, who's next?"

Hindi na ako nakinig sa mga sumunod na pangyayari.

Pasimple akong lumingon kung saan nakaupo yung guy na yun only to find out na nakatitig pa rin siya sa akin. Not smiling, only staring.

Lalo lang akong na conscious.  At lalo lang akong umirap.

"Anna, sino nga yan?" Im poor pagdating sa pagkabisa ng mga pangalan. Yung kaklase nga naming kambal, tatlong buwan na pero hindi ko pa rin maalala kung sino ang sino.

"Alin?" Itinuro ko yung kaklase naming titig ng titig sa akin.

Nakatalikod siya habang kumakain kasama yung best buddy niya. He had broad shoulders, all right. Kulot ang buhok na may kahabaan na rin. Matangkad, maputi at ok, medyo guwapo.

"Hindi mo kilala si Warren?" Palatak ni Anna. "Pambihira ka naman. Kaklase natin yan ah."

"Nakalimutan ko lang." Paliwanag ko.

"Bakit?" Usisa ni Anna.

Anong sasabihin ko? "Wala lang. Para kasing inis sa akin. Di ko naman siya inaano.."

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now