Dustin 2

4 0 0
                                    

Three years after ng huling insidente na yun kami nagkita uli. It was because of our common friend na nagkataong naging kapitbahay ko sa apartment na tinitirhan ko.

Sobrang dami ng nangyari sa buhay ko noon at ang totoo hindi ko na rin naman siya masyadong inisip pa.

But when i see him again after three years, andun pa rin yung familiar na kaba. I realized ill never get rid of this fondness to this guy. He was after all my first boyfriend and first love.

Na hindi ko man lang nahalikan! Lol

Nagkita kami sa lugar namin. Ang corny, sa park talaga.

Sabi niya agad hindi pa rin ako nagbabago. Kapag naglalakad daw ako i am always oblivious to other people. Wala akong pake sa paligid. My head straight. My sight only to him.

Siyempre, ang guwapo niya pa rin eh.

I agreed to meet him just to catch up. May boyfriend ako ngayon at wala sa vocabulary ko na guluhin ang buhay ko dahil lang sa kanya. At nalaman ko na hindi pa rin siya maka move on sa feelings niya towards Nathalie. Poor guy!

Maybe, just maybe someday. When the time is right. When destiny is on our favor.

And i told myself when i see him again after three years without any effort from me, ill consider the idea.

Minsan, kailangan talagang maging maingat sa mga wish. Kasi minsan kahit hindi seryoso, nagkaka totoo. Kahit kulang sa conviction, pinagbibigyan ng diyos.

Three years later, i just came from a messy break up from the love of my life. Yung lalaking gusto ko na sanang makasama habambuhay. Kaso ako pa rin kasi to, confused and childlike and inconsistent and happy go lucky. Wala pa ring direksiyon ang buhay. Walang maayos na plano. At walang malinaw na magandang future.

Its like my only option that time was to promote our relationship to the next level kung ako ang pakakasalan niya. Kaya lang nag inarte ako at binreak ko siya sa isang napakababaw na dahilan. At hindi niya na ako binalikan.

Durog na durog ako noon. And Dustin crossed into my way again.

"Ang pangit mo na! Cheer up!" He said jokingly. "Hindi naman ganyan ang reaction mo nung nag break tayo ah."

"The hell, Dustin? "

Alam kong pinapagaan niya lang ang mga pasaring niya. Para din sa akin kasi talagang sobra akong nasasaktan ngayon.

Andito kami ngayon sa apartment ko. Mukmok ako buong araw at pinuntahan niya talaga ako. As if we are so fucking friends.

"Pinapatawa lang kita, Rave!" Sabi niya. Balik na uli siya sa clean cut. Ang yummy niya na ngayon. Binata na kasi. In place na ang mga muscles and everything.

"I dont need you to remind me na nagbreak tayo dati dahil nambabae ka." Ganti ko. Now i can talk about it na hindi na apektado. Naka move on na din naman talaga. Saka hindi na kami bata. There was a maturity in here somehow.

"Sorry. Again and again i was sorry." Malambing niyang sabi.

Nakuwento nya kanina na wala na sa Pilipinas si Nathalie. Na hindi rin sila nagkatuluyan. Na after all his sacrifices iniwan rin siya. Sinira niya ang future niya for her and yet pinulot pa rin siya sa kangkongan.

"Ang laki mong tanga kay Nathalie no?" Sabi ko kahit obvious na obvious sa mukha ko na galing ako sa walang tigil na pag iyak.

Ngayon ko lang napagtanto pareho kaming mukhang tanga. Pareho kaming puwedeng sirain ng pag ibig. Kaya siguro kami hindi nag work out. Kasi hindi namin kayang ibangon ang isa't isa. Dapat ang mga partner namin mas malakas sa amin. Na hahatakin kami para bumangon. Kung kaming dalawa baka we will end up drowning each other hanggang malugmok kami pareho. At sa tigas ng ulo namin at taas ng pride, i dont think one of us is gonna give up kung mag aaway kami. Kaya malamang ang ending hiwalayan din.

"Im happy now with my girlfriend, Rave."

That is another story! May girlfriend siya? What the hell!

Hiningi ko sa diyos ang moment na to eh. Tatlong taon hindi ba? Pero hindi pa rin uubra.

Nalungkot ako.

"Do you love her?"

Hindi siya sumagot. Shit, alam ko to. Nakita ko na to dati. Hinding hindi siya makakapag sinungaling sa akin.

"Hiwalayan mo na yan! Ginagamit mo lang siya. Hindi mo siya mahal, Dustin!"

He just smiled. "She loves me. At sino ang nagsabing hindi ko siya mahal?"

"What's she like?"

Oh no dont tell me! Damn this man.

"She's not like you!" Pabiro yun pero tumagos sa akin. Ano ba ako? Ayaw nya sa mga tulad ko?

"Lumayas ka dito Dustin Juarez! I hate you."

Hinila nya ako palapit sa kanya. Those gestures - hindi katulad noon na pure na pure ang lahat sa amin. Ngayon feel na feel ko ang malisya. Alam ko kasi hindi na rin naman ako bago sa ganitong intimacy. Ibinigay ko na ang lahat sa ex boyfriend ko.

Damn this man!

Nagkatitigan kami. Shit ang guwapo niya pa rin. Ang bango niya pa rin. Ang kinis niya pa rin.

I dont know what got into me. I just found myself unbuttoning his polo shirt.

"Rave.." biglang nag iba ang expression ng mata ni Dustin. He looked at me with awe. "What are you doing?"

"I dont know Dustin!" Sabi ko nanginginig pa yung daliri ko habang inaalis isa isa. Malapit na. Pipigilan niya ba ako? Ayaw niya ba?

Nahubad ko na ang polo niya. Hinila niya ako for a mouth watering kiss habang inaalis niya rin ang damit ko.

Shit, we're really doing it.

And we did. Isang beses lang pero ramdam na ramdam ko yung respeto. He's really a kind of man na mamahalin ng todo.

Lucky is his girlfriend.

Nahuli na ako. Wala ng chance.

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now