Kolt 1

5 0 0
                                    

March 2004

"Tama na Venice!" Alo sa akin ni Juliet.

Nasa isang bakanteng room kaming tatlo nina Xynthie. Iyak ako ng iyak.

Halo halo na kasi hindi ko na kaya. Ang dami dami ng nangyayari sa buhay ko. Sabay sabay ang kamalasan ko.

"Naghintay naman ako sa kanya. I remained faithful. Kahit nga manliligaw wala akong inintertain." Sabi ko. "Naging mabuti akong girlfriend diba? Bakit niya nagawa sa akin to?"

I was referring to my first love David. Nagsimula ang relasyon namin ng second year pa lang kami. Long distance relationship but we made it work noong una. Hanggang sa dumalang ang komunikasyon. Hanggang wala na. Hanggang malaman ko na may iba na siya. At ang bestfriend niya pa.

This is a common case of some people referred to as 'ayan kasi inuuna ang landi'. And some oldies will always say 'imbes na unahin ang pag aaral'.

Which is totoo naman.

Kaso na inlove talaga ako ng todo sa kanya. He's my dream come true. He's my pure love.

June 2004

Galing sa bakasyon, ibang Venice na ang tumambad sa sunod na school year.

A kind of girl who's wearing pekpek shorts and sleeveless and dangling earrings. My hair is brown and short.

Ang layo sa nakasanayang Venice na simple at nerdy type.

I hide my sufferings and uncertainties inside. The more i accessorize myself, the more i hide them within. The more i laugh, the more i hide the tears thats eating me. The more people say bad things about me, the more i protect myself not to be influenced by people who's coming to break me.

I am Venice.

No one can break me anymore.

Not my family. Not my father. Not my friends. Not David.

But its not as easy as it gets.  Its a process.  While at it, basta ko na lang hindi kinausap ang mga bestfriends ko.  Bagkus nakitropa ako sa mga dati kong kaibigan at kababata.

January 2005

After few months of wandering around, nagpapasalamat ako na balik ako sa company ng mga bestfriends ko.

Balik sa normal ang buhay ko. But the physical attributes did not. Nakasanayan na rin.

"Shocks, look at him!" Natatarantang sabi ni Xynthie at biglang humarap sa amin. Pauwi na kami galing sa school. Madalas, sa bayan kami naghihiwa hiwalay.

"Sino?" Tanong ni Juliet.

"Ang makakasalubong natin, ano pa ba?" Palatak ni Xynthie.

Itinagilid ko ang ulo ko para makita kung sino ang tinutukoy niya.

Napakunot noo ako.

Naka uniform ng sikat na private school sa bayan ang tinutukoy niya. He's tall and payat. Maputi at tsinito.

Of course we know him. Sino ba ang hindi makakakilala kay Kolt?

Anak siya ng isa sa pinaka mayaman sa lugar namin. His family owned some businesses in our place - drugstores, hardwares, bookstores, etc. It all boils down to the surname Barreto basta negosyo na ang pinag uusapan.

But he was also the one who's everybody referred to as untouchable. Napaka suplado kasi. Ang mga kaibigan niya mga kapwa niya lang din mayaman. Mga kapwa english speaking at konyo ang laging kasama. Ang mga girls na belong sa grupo nila, mga legit talagang social butterflies. Wala siyang oras makipag kaibigan sa mga karaniwang mamamayan na tulad namin.

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now