Dustin

9 0 0
                                    

At a young age, alam ko na agad na komplikado ang love. Ang ma in love at ang mga taong involved sa isang relasyon, alam ko na agad na may kakabit na drama whether they like it or not.

Katulad na lang ng classic example na pamilya namin when my dad left us sa hindi malinaw na dahilan at araw-araw kaming nagsa suffer sa mga litanya ni Mommy kung gaano kawalang kuwenta si Dad, etc. etc. And looking how my mom got bitter and bitter as time goes by, alam kong hindi pa rin siya maka move on. Kaya taboo sa bahay ang usapang lalaki, boyfriend, pag aasawa lalong lalo na ang sex.

Kaya ako bata pa lang, alam kong madrama ang magmahal. Dapat may sparks, may matinding istorya na hinding hindi ko makakalimutan, maraming maraming surprises at papaligiran ng kilig ang buong sangkatauhan. Kung paano i describe sa mga novels, mas matindi pa dun. At marami ring hindi pagkakaintindihan, maraming stage ng away-bati pero maaayos din kalaunan.

Kasi naniniwala ako na may forever. At happily ever after.

Nagkaisip ako na dapat may drama ang lahat. Kaya mahilig akong maghanap ng drama sa lahat ng scenario. Ganern.

Grade six ako ng mag confess ako sa isang kaklase ng aking forever love. I feel so stupid for what I did. Kasi nabasa yun ng auntie ko at isinumbong ako sa Mommy ko. Tinitingnan ko ang reaction nila mula sa pinagtataguan ko at grabe ang kaba ko. Pilit kong inaalala yung mga nakasulat ko dun. Something like siya ang gusto kong maging ama ng mga anak ko, etc. What the hell! Pagka graduate ko ng elementary at nang makatuntong ng high school, dun ko na realize na kaya pala napagtripan ko lang siya kasi walang ibang may maayos na mukha sa mga kaklase ko. Siya lang. Wag ng i mention na mataba siya. At dahil mas marami na akong ibang nakilala, ni hindi ko na nga maalala kung anong apelyido nya.

First year high school ako ng maka receive ng first ever love letter galing sa isang opposite sex. Yung love letter galing sa isang batch mate na napagtripan namin ng mga friends ko bilang crush namin sa section nila. Again, dahil walang ibang maayos ayos. At dahil wala pa akong kamuwang muwang, grabe ang kaba ko habang binabasa ang love letter. Una, dahil baka malaman ni Mom. Pangalawa, baka malaman ni Ate na ubod ng sungit. Schoolmates na kasi kami. Fourth year siya. Pangatlo, kasi siya nga ang unang taong nagpakita na may gusto sa akin.

I dont know what happened, pero hindi naging kami. Siguro alam kong trip trip lang yun o baka hindi ko rin siya trip. And soon i realized how petty that confession is. Nakasulat nga lang pala yung love letter sa isang page ng notebook. Oh my god! Tapos may erasure pa. Tapos mali pa ang grammar. Akalain mo! O baka mas matindi lang talaga ang kaway ng pagiging childish ko pa ng mga panahong iyon.

Naging interesting lang ang buhay high school nang makilala ko so Tisoy. Fourth year siya tulad ng ate ko. At officer ng CAT. Nagmamadali akong kumain ng lunch kasi mula sa bintana ng classroom namin, inaabangan ko ang pagdating niya from lunch time. Ang tikas niya lagi sa suot na body fit t shirt saka bell bottom na maong pants. Madalas dala niya pa ang gamit na armalite sa training. Crush na crush ko siya noon.

And he was my first disappointment too. Kasi soon enough, nalaman ko na nanliligaw kay Ate ang damuho. At ang kapatid ko na sobrang taas ng standard, binasted siya dahil bukod sa babaero, mahina din daw sa klase. Kaya nag fade out agad agad ang feelings ko kuno sa kanya. At saka ko naalala, five times a week nya bang suot yung bell bottom na pantalon?

Nothing serious after that. Kasi tinanggap ko ang gusto ng mga lalaki ay yung mga demure at girly na katulad ng friend kong si Iony. Hindi katulad ko na hindi pa gumagraduate sa paglalaro ng patintero sa kalye.

Everything changed when Dustin entered into the picture.

"Anong meron?" Tanong ko kaagad sa bestfriend kong si Xynthie pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom. "Daming tao sa paligid?"

LOVE: The Long and Short of ItWhere stories live. Discover now