Prologue

666 20 5
                                    

Clark Demive Yuan is a handsome man. Matikas ang pangangatawan, makisig. Kahit sinong makakakita dito ay mabibighani sa taglay niyang kagandahan. He's almost perfect. But he's broke. And no one in particular owns him. Cause everyone owns him. Everyone who have a money to pay for his service will be his owner. He doesn't like the job, but he got no choice. Until one night, someone bought him. For lifetime possession.

***

Dalawang linggo nalang ang naiwan para kay Clark upang magdesisyon na paoperahan ang kanyang ina sa puso.

Nakahanap na ng donor ngunit wala siyang pera para pambayad sa operasyon.

Kung aabot man ng dalawang linggo at wala pa siyang mahanap na pera ay mapupunta sa iba ang puso na dapat ay para sa ina niya.

"Kuya... si mama po? Magaling na po ba siya?"
Nilingon niya ang kapatid na malungkot na nakatingin sa kanya.

Kahit naiiyak na siya sa sitwasyon ay binigyan niya ito ng ngiti saka mahigpit na niyakap.

"Wag kang mag-alala Seb, ha? Gagaling si mama."
Pangungumbinsi niya dito at maging sa kanyang sarili.

21 anyos na si Clark ngunit hindi nababagay sa edad niya ang kanyang pangangatawan. Makisig ito at matangkad gaya ng mga lalaking nalalapit na sa kanilang ikaw 30 anyos.

Marahil siguro ay batak siya sa mabibigat na gawain simula nung pumanaw ang kanyang ama at huminto siya sa pag-aaral bilang 2nd year college sa kursong medisina.

May sakit sa puso ang kanyang ina kaya hindi ito maaaring mapagod. May bunso din siyang kapatid na nag-aaral sa elementarya na siyang pinapaaral niya.

Hindi niya rin kayang paaralin ang sarili kaya tumigil na lamang siya para maghanap-buhay.

"Seb, dito ka lang ha? Puntahan ko lang si mama."
Tumango ang kapatid bagama't may pag-aalinlangan sa mukha nito.

Ang totoo ay hahanap siya ng raket para magkapera kaya lumapit siya sa isang kaibigan.

"Clark.. Kumusta?"
Bati nito tsaka ginawa yung panlalaking yakap.

"Ayos lang ako. Pero si mama... I need a huge amount para sa operasyon niya. Baka naman tol may raket ka dyan?"
Napapaisip naman ang kaibigan ng ilang sandali.

"Kelan mo ba kailangan?"

"In two weeks from now ang operasyon ni mama at kapag wala pa akong pera ay mapupunta sa iba yung puso."

"Magkano ba ang kailangan mo?"
Tanong nito at nabuhayan siya ng loob marahil sa sinabing iyon ng kaibigan.

"Mga isang daang libo."

"Ang laki naman niyan."

"Oo nga. Ano tol, may alam ka ba?"
Inakbayan siya nito at sinama pasakay sa taxi.

Ilang sandali lang ay tumigil sila sa harap ng isang club. Gay club to be precise.

"Drake, parang ayaw ko nang naiisip mo."
Umiling siya dahil napagtanto niya kung ano ang balak ng kaibigan.

"Two weeks Clark. Mahirap humanap ng ganun kalaking halaga."

"Pero Drake, ayaw ko nito. Baka iba nalang?"
Pinalaki sila ng maayos at puno ng pangaral mula sa ina kaya di baleng maghirap siya at magpapatulo ng pawis at dugo basta marangal lang ang pamumuhay.

Tinapik ng kaibigan ang balikat niya.

"Tol, pasensya ka na pero ito lang talaga ang maitulong ko sayo. Wag kang mag-alala, madali lang naman ang trabaho mo doon. Sasayaw ka lang."

Pinag-isipan niyang mabuti ang gagawing desisyon. Ayaw niyang kumita ng pera na galing sa masama. Sa gagawin niya ay para niya na ring binenta ang sariling puri.

Pero mas iniisip niya ang kalagayan ng ina. Kung wala siyang gagawin, tuluyan na silang iiwan nito na siyang ayaw niyang mangyari.

"Sige tol. Susubukan ko."
Tumango ang kaibigan tsaka giniya siya nito papasok sa club.

***

Hi guys! It's me! Sino pa ba?
Hahaha! Anyway, this story is of course, a product of my wild imagination. And hindi ko na to hahabaan. Mga 10-20 chapters lang.
Hope you'll like it AND, expect mature scenes so READ AT YOUR OWN RISK.

THANK YOU!

...

eoreumimeoyeo


That Macho Dancer | CompletedWhere stories live. Discover now