"Ang tagal mo naman? Malamig na yung pagkain." Halos lumundag ako paibaba sa sobrang gulat. Thank goodness dahil napahawak ako sa hawakan ng hagdan. Paglingon ko, nakita kong masama na agad ang tingin sakin ni Liam Monteveros. My husband.


Ang anak ng pinagkakautangan ni Daddy.


"S-sorry--"

"Don't make the food wait. I don't need explanations, honey." Sa pangalawang pagsusungit ni Liam, tumahimik na ko. Sobrang nakakatakot talaga 'tong asawa ko. Maybe he's got the looks and the body, pero takot pa rin yung una kong nararamdaman pag nakikita ko siya imbis na attraction.


His cold eyes and voice are the reasons why I don't feel like the luckiest married woman alive. Even if people tell me na ako ang makaka-benefit ng lahat sa marriage na ito, still, hindi ako masaya. Diba yun naman dapat ang mahalaga?


Out of all the things na pwedeng solusyon, arranged marriage pa between two families?


At bakit ba ako nagrereklamo? Hindi ba desisyon ko rin itong magpakasal? Dahil kung hindi magbubuklod ang mga pamilya namin, hindi makakatakas si Daddy sa kaso niya?


"Tumawag yung kuya mo kanina. Nag-usap raw kayo kagabi? He said that you were crying. Nag-aalala siya baka mamaya kung ano na ginagawa ko sayo." He said coolly, but I know that he's mad.


Napahinto ako sa pagkagat ng pandesal. Anak ng.. si kuya Rio talaga. Kaya naman pala siguro masama ang timpla nitong si Liam eh. Paktay ka na naman Aeicy. At nagsimula na naman ang araw ko bilang isang Aeicy Monteveros.


"Ahm, mali yung iniisip mo Liam--"


"Let me finish first." Damn. Damn. Damn. Galit nga siya.


"Rio thought that I might be treating you bad here. Itatanong ko sa'yo... am I giving you a bad hand here, Ace?" Mabilis yung pag-iling ko.


The last thing I wanted to happen is a war between my brother and him. Kuya Rio misunderstood. Argh!


"Then why did you call him, then? You made me look like I've been hurting you."


"Nami-miss ko lang kasi sila... You know, It's been four months. But I didn't mean to--"


"Oh, so you missed them. Remember this Ace... we're now married. Dito ka sa bahay ko. Hinding-hindi ka aalis at hinding-hindi ka din tatanggap ng kahit sinong bisita. Ako na ang kasama mo dito. You are now mine." Halos kilabutan ako sa narinig ko. Pangalawang beses ko nang narinig sa kanya. At hindi nagbabago ang threat sa mga salita niya.


My tears wanted to fall, and I fought my hardest to restrain them. Tama naman kasi si Liam. I belong to him now. Anak lang naman kasi ako ng business partner na hindi nagbayad ng milyun-milyong utang sa pamilya niya. Hindi dapat ako magreklamo o lumaban. After all, they-- he and his father, bought me. So he could do anything he wants with me.


"Oh, by the way... Rio also mentioned your studies. I strongly disagree. You have to stop, because you'll stay here with me." He said without meeting her eyes.


Para naman akong nabagsakan ng buong mundo sa sinabi niya.


"Titigil ako?" Hindi ko na napigilan yung bibig kong magsalita.


Suddenly I felt the need to shout. Pero hindi ko magawa.


Ayokong tumigil sa pag-aaral. Parang pinapaliit niya ng husto ang mundo ko.


"Yes, you heard it right. Titigil ka. Malinaw ko na 'yang sinabi para maintindihan mo." He said unpatiently. Pinakitaan na naman niya ako ng tingin na nakamamatay.


Ramdam ko ang pagbagsak ng balikat ko. Lahat na nawala sakin... pati ba naman ang studies ko? Pati ba naman 'yun? Ano na lang ang matitira sakin?


"What's with that face?" Iritadong tanong ni Liam.


"Liam, please. Isang taon na lang grad--"


"I am your husband. You must listen to me, honey." Liam spoke coldly. Then smiled sarcastically at me. Pinagmasdan ko lang siya kung paano nagsasayaw yung kulay sa mga mata niya habang kumakain. I just keep on staring at him-- while praying hard for my freedom.


Nang umaga ding 'yon, umalis si Liam para pumasok na sa trabaho. Naiwan akong nakatulala sa dining table. Is this what you call a lucky woman? 



Sinong maswerte sa lagay ko ngayon?


"Goodmorning Maam Aeicy!" Bati ni Mang Nestor, isa sa mga katiwala ni Liam sa bahay at asawa ni Manang Mila. So far, meeting the old couple was the first good thing that ever happened to me after my marriage.


"Bakit parang hindi mo ata ginagalaw 'yang pagkain mo, Maam Aeicy?"



"Mang Nestor naman eh.. 'wag niyo na po akong i-Maam. Aeicy na lang po. Hindi pa naman po ako gutom kaya konti lang kinain ko." Tumayo na ako sa upuan at tuluyang kinalimutan ko na ang pagubos ng pagkain ko.



"Umalis na ba si Sir Liam?"



"Sige po Mang Nestor, tulungan ko po muna si Manang sa labada."Pag-iiba ko ng usapan. Sana makuha niya na ayokong i-topic ang asawa kong walang kwenta.



"Intindihin mo na muna ang asawa mo, Hijah. Sa totoo lang, maging sa kanya eh hindi din madali ito." Napatigil ako sa paglalakad paakyat ng hagdan nang magsalita si Mang Nestor.



Ano bang hindi madali sa kanya? Parang gusto kong tumawa.

___

Thank you for reading this story.
Iloveyou guys! 
~FL01

I'm In Hell With HimWhere stories live. Discover now