Ochenta y sais

2.2K 12 0
                                    

''Sorry, Lianne." Nahablot ko ang braso niya bago siya nakalabas ng pinto para pumasok na.

"Nagmamadali ako, Hector." Naghulagpos siya. Hindi siya tumingin sa akin.

"Sabihin mo munang pinapatawad mo na ako."

"Para ano? Tapos na 'yon. Wala ka namang narinig na masakit mula sa akin, 'di ba?"

Binitiwan ko na siya. "Pero, mas masakit sa akin na hindi mo ako kinikibo.."

"Masakit ba? 'Di ba dapat ako ang mas nasasaktan sa pagnanasa mo sa akin? Akala ko ba totoo ang pagkupkop mo sa akin." Saka lamang siya tumingin sa akin.

"Sorry na. Hindi na mauulit."

Tumalikod lamang siya at umalis na. Hindi na ako nagsalita pa. Hindi niya pa rin ako kayang patawarin.

Maghapon akong wala sa wisyo ko. Apektado tuloy ang pag-eensayo ko ng sayaw para sa aking pagbabalik sa Xpose. Nag-e-expect pa naman si Mam Sam ng isang mainit at malibog na gabi mamaya. Nag-imbita raw siya ng mga parokyano.

Gayunpaman, handa akong bigyan ng kakaibang performance ang mga customer. Hindi ko sila bibiguin. Ikokondisyon ko na ngayon ang sarili ko para sa kakaibang paggiling at pagbibilad ko ng katawan. Gagawin ko ito para kay Lianne. Kung hindi niya ako mapapatawad dahil sa pagjajakol ko sa presensiya niya, sana mabawasan man lang ito sa pamamagitan ng taos-puso kong pagtulong sa kanya. Gusto ko ring makaipon upang may maibigay ako para sa chemo ng kanyang ama. 

Hijo De PutaWhere stories live. Discover now