Ciento beynte-dos

1.9K 8 0
                                    

Ayaw ko nang maglihim kay Lianne kaya ipinagtapat ko na kung sino ang may gawa niyon sa akin. "N-naging customer siya ng katrabaho kong si Jake... Nang minsan naisama niya sa bahay, nagkagusto siya sa akin," dagdag ko pa.

Hindi ko maipinta ang mukha ni Lianne. Hindi ko alam kung nandidiri siya sa akin o naiinis.

"Hindi ko maintindihan... Bakit kayong mga lalaki..." Nasapo niya ang kanyang noo bago siya tumalikod sa akin.

"Trabaho, Lianne... trabaho."

"Trabaho?" pasigaw niyang tanong. Humarap siyang muli sa akin na may nagbabadyang mga luha. "Sa dinami-dami ng puwedeng pasuking trabaho... shit! Ang pagpuputa pa ang pinili mo. Oo, ako rin... Napasok ko rin 'yan pero hindi ko ginusto. Hindi ko kinarer, Hector."

Hindi na ako nagsalita pa. Ayaw kong mag-away uli kami. Alam kong nagmamalasakit lang siya sa akin. Thankful na ako roon.

Natahimik kaming sandali bago pumasok ang isang nurse. Magiliw siyang bumati at ngumiti sa amin saka siya nagbigay ng mga gamot sa akin.

"Nurse... maaari ko bang malaman kung sino ang nagdala sa akin dito?" tanong ko.

"Sige po, Sir. Aalamin ko po sa information."

"Salamat!"

Palabas na sana ng pinto ang nurse nang maalala kong itanong ang bill ko.

"Isabay ko na rin po mamaya..."

Animo'y registered nurse na lumapit sa akin si Lianne, ilang sandali paglabas ng totoong nurse. Sabagay, nag-iintern naman talaga siya.

Inayos niya ang higa ko. Sinipat-sipat niya ang dextrose. At tahimik niyang tiningnan ang bendahe ko. Ramdam ko ang tibok ng puso niya habang nalulunod ako sa masamyo niyang amoy. Tumambad din sa akin ang malulusog niyang dibdib na patay-malisya kong sinulyapan.

"Ano'ng plano mo, paglabas mo rito?" tanong niya.

Nakatulala ako ngunit agad kong nabawi. "Uuwi muna ako sa probinsya..."

"Then?"

Wala akong maisip na isasagot. Hindi ko masasabing babalik uli ako sa bar. "A... e, bahala na. Mahalagang lumakas muna ako."

"Gan'yan ka ba talaga, Hector?"

"What do you mean?"

"My God, Hector!" bulalas ni Lianne. Seryoso pala siya. "Walang direksiyon ang buhay mo! Sinong babae ba ang magmamahal sa 'yo kung gan'yan ka?!"

Napipi na naman ako.

"Hindi ko nga alam kung bakit ako nandito, e. Bakit ba ako magmamalasakit sa 'yo kung ang sarili mo nga ay hindi mo kayang mahalin... irespeto?"

Natahimik kaming pareho. Hindi magkasalubong ang mga paningin naming, pero parang magkadugtong ang aming mga puso--- nangungusap.

Mapalad nga ako't nakilala ko siya. Siya na nga marahil ang tuluyang magbibigay sa akin ng direksiyon sa buhay. 

Hijo De PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon