Ciento siyete

1.9K 14 0
                                    

"Salamat!" Narinig kong sinabi ni Lianne. Tinapik niya pa ako.

Nakaidlip pala ako sa single sofa kung saan ako pinaupo ng kanyang ina kanina.

Pagdilat ko, isang Lianne na may malalalim na mata ang nakita ko. Ibang-iba siya sa dating siya. Gayunpaman, siya pa rin ang mahalagang pakay ko sa lugar na iyon. Alam kong bunga lamang iyon ng kalungkutan, pagod, at puyat.

"Lianne..." Napatda ako.

"Salamat sa tulong mo!" Hindi siya umupo sa bakanteng sofa.

"Wala 'yon. Pasensiya na, noong nakaraang araw ko lang nalaman. Nasa probinsiya kasi ako."

"Okay lang. Sige, iwanan na kita. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko."

Akma na siyang tatalikod nang mabilis kong maabot ang kanyang braso. "Tulungan na kita." Agad ko rin siyang binitawan.

Walang kibo si Lianne na isinama at isinali ako sa kanyang ginagawa. Kasama namin ang mga kapitbahay at ilang kamag-anak niya.

Hindi ko naman gusto ang ginagawa ko. Panay lang ang tingin ko sa kanya. Pinakikiramdaman ko siya. Nagpapakiramdaman kami.

Nang natapos, nagkahiwalay kami. Nasa loob siya. Ako naman ay nasa labas. Nanunuod ako ng mga nagsusugal. Napatagay nga ako ng mga nag-iinuman doon kaya pumasok ako sa kabahayan nila.

"Kain na tayo, Hector. Halika ka na." Hinila na ako ng nanay ni Lianne, papunta sa dining area.

Natuwa ako.

Doon ay naabutan ko ang magkapatid na naghahanda ng hapag. Tamang-tama. Apatan ang dining table nila.

Pinaupo ako sa harap ni Lianne. Kitang-kita ko ang reaksiyon niya. Parang ayaw niya pa rin akong makasalamuha. Mailap ang mga mata niya. Pero, thankful ako sa kanyang ina. Nakikita kong bini-build up niya ako para kay Lianne. Sinabihan niya pa nga ang anak na kausapin naman ako. Parang hindi raw kami magkakilala.

Nang nakahinga na ako, nagtanong ako kay Lianne. "Si Paulo, napunta na ba rito?"

"Oo. Noong unang gabi."

"Ah... Kelan siya uli pupunta?"

Hindi ko alam. 'Di nagsabi."

"Ate, sabi niya, 'di ba, na bukas narito siya. Last night," singit ng kapatid niya.

"Gano'n ba?"

Natuwa ako at nagdesisyong 'di muna umuwi para magkita kami. Gusto kong humingi sa kanya ng apology at tulong na rin para mapatawad na ako ni Lianne.

Hijo De PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon