Singkuwenta y singko

2.8K 18 0
                                    

"Salamat, Lemar!" sabi ko nang makaalis na si Paulo. "Mabuti na lang 'di ka pumiyok... Salamat din sa 'yo, Jake. 'Yong 'di mo pagsalita ay sapat na para makalusot ako."

"Okay lang, Kuya... Alam ko na kasi ang posibleng mangyari. Gaya ng nangyari sa akin."

"Tama ka." Hinarap ko naman si Lemar. "Practice n'yo lang ba 'yon?

Tiningnan niya si Jake bago sumagot. "Oo. Practice lang 'yon."

"Gano'n ka-hot ang halikan at romansahan n'yo?" Tiningnan ko silang pareho. "Hindi ba dapat pasayaw-sayaw lang tayo? Kaunting dikit ng katawan, ayos na."

"Para sana maiba naman," ani Lemar

"Maiba? Gusto mo bang ma-raid tayo. Bawal 'yon. Lalampas tayo sa napag-usapan at kontrata."

"O, sige... iibahin na lang namin ni Lemar. Sumabay ka na kasi sa amin."

"Ibahin n'yo pero magtapat kayo...'' Tiningnan ko sila isa-isa. "May kakaiba sa inyong romansahan kanina. Gising ako. Nakatingin ako sa inyo."

"W-wala! Wala naman, 'di ba, Jake?" patulong ni Lemar kay Jake.

"Jake? Wala ba talaga?" Para akong kuya niya talaga na nanghuhuli at nag-i-interrogate.

"K—kuya... kasi... si Lemar..." Hindi na naituloy ni Jake ang sasabihin. Nagtinginan sila ni Lemar.

"Lemar? Ano'ng meron sa inyo ni Jake?" Nahuhulaan na ni Lemar ang gusto kong malaman.

"Hector... kasi matagal na akong nagtatago ng nararamdaman ko." Hinayaan ko siyang magsalita. "Dati, pangarap kitang maka-sex. Pangarap kita, Hector. Salamat sa 'yo dahil binigyan mo ako ng chance na makapartner si Jake. Siya na ngayon ang gusto ko. Pareho naming gusto."

"Kuya... sorry," sabi naman ni Jake. Malungkot siya.

Pinasaya ko ang paligid. "Walang problema. Kung 'yan ang gusto ninyo, sige, enjoy n'yo lang." Natuwa naman sila sa tinuran ko.

Nagpasalamat si Lemar sa akin dahil sa wakas daw ay lumuwag ang dibdib niya. Hiningi niya sa akin na huwag itong ipaalam sa iba. 

Hijo De PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon