Sisenta y tres

2.6K 15 0
                                    

Hindi ako sanay na may kasama sa bahay, pero sisikapin kong maging maganda ang samahan namin ni Lianne. Kahit nabawasan na ang pagmamahal ko sa kanya, gusto ko pa ring ipakita sa kanya ang dapat, lalo na ngayong siya ay nahaharap sa krisis-pinansiyal. Gusto ko pa rin siyang tulungan. Gagawin ko ang lahat para makatapos siya.

Umalis na si Paulo. Hahakutin daw niya ang mga gamit at damit ni Lianne sa dati nitong boarding house. Gabi na siya makakabalik. Hindi na niya pinasama ng kaibigan dahil puyat daw ito. Natuwa naman ako sa concern niya. Natuwa rin ako dahil masosolo ko si Lianne.

Nagkuwentuhan kami. Grabe raw ang kagipitan niya ngayon dahil nga sa pagpapagamot ng kanyang ama. Naawa ako sa kanya, kaya inilahad ko sa kanya ang kagustuhan kong tulungan siya. Nahihiya man daw siya ay tatanggapin na niya, dahil gusto rin niyang makatapos ng pag-aaral.

"Hayaan mo, Hector, masusuklian ko rin ang mga kabutihan mo, pagdating ng araw," sabi ni Lianne.

"Huwag mo munang isipin 'yon. Ang mahalaga, makatapos ka."

"Oo... sisikapin ko. Biyaya ka ng Diyos sa akin."

Napangiti niya ako. Ngumiti rin siya. "Salamat! Wala naman akong hinihinging kapalit mula sa 'yo. Tanging ang pagpupursige mo lang at katatagan ang hiling ko sa 'yo. Ipangako mo rin lang na magiging matapat ka sa akin."

Napayuko si Lianne. Alam niyang may pinupunto ako.

Alam ko, may mabigat na dahilan ang pabigla-bigla niyang pagtira sa akin. Handa akong alamin iyon.

Hijo De PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon