Setenta y sais

2.3K 18 0
                                    

Singkuwenta mil ang nakasulat sa tseke na inabot sa akin ng misteryosang babae. Isang note pa ang nakita ko na sa loob ng sobreng puti.

"Thank you for giving me a child! But, please forget your right as his/her father." Iyan ang nakasaad sa note. Bigla akong nalungkot. Hindi ko na kailanman makikita ang anak ko, kapalit ng kaunting halaga, ipinagkait sa akin ang aking karapatang maging ama. Tiningnan ko si Lianne. Napaka-inosente niya. Wala pa rin siyang alam sa nangyari.

Bumuntung-hininga ako. "Lianne, maliligo lang ako." Ngumiti ako nang lumingon siya sa akin para tumango. Tila nanumbalik ang saya ko sa mukha nang bigyan niya ako ng mas matamis na ngiti.

Itinago ko muna ang sobre, saka ako naghubad ng damit at nagtapis ng tuwalya para hubarin naman ang pambaba ko.

Nagkasalubong ang mga mata namin ni Lianne. Parang nahipnotismo siya nang makita akong nakahubad-baro. Bigla niya itong binawi at nagkuskos ng damit niya.

Pumasok na ako sa banyo at nagsimulang maligo. Binilisan ko ang pagligo para maisakatuparan ko ang plano kong pang-aakit kay Lianne.

Pinatigas ko ang alaga ko bago ako lumabas ng banyo. Sinigurado kong nakaumbok ito at bakat sa tuwalya. Wala akong suot na underwear.

Hindi pa siya tapos magkusot, kaya nasa lababo pa rin siya. Para mapansin niya ako, tila may hinahanap ako sa cabinet.

"Ano'ng hanap mo?" tanong niya nang mapansin ako.

Medyo lumambot na noon ang tit* ko, kaya napakamot ako sa ulo ko pati sa alaga ko, bago ako nakasagot. "Ang muriatic. Maglilinis sana ako ng banyo."

"Ah..."

Hinanap ko uli, pero nang hindi na ako pinapansin ni Lianne, umalis na ako para magbihis.

Walang division ang bahay ko kaya ang kitang-kita ako ni Lianne habang nagbibihis. Tinanggal ko ang tapis ko nang makapagsuot na ako ng boxer. Tapos, nangalkal ako ng damit. Nagkunwari na naman akong may hinahanap para maibilad ko sa kanya ang katawan ko.

Hindi ako nakahanap ng damit.

Alam ko, nalilibugan din siya sa katawan ko, lalo na nang nagpahid ako ng lotion sa katawan ko. Hindi pa ako nakuntento, lumapit pa ako sa kanya upang kunin ang toothbrush ko na malapit sa lababo. Alam kong naamoy niya ako.

Pasasaan ba't siya mismo ang lalapit sa patibong ko..

Hijo De PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon