Ciento beynte-tres

2K 8 0
                                    

Nagpaalam na si Lianne, dahil papasok na raw siya. Agad ko siyang na-miss, kahit alam kong babalik siya. Pero ang maganda, nakadama ako ng pag-asa. Tila lumakas na rin ako. Nabawasan pa ang kirot sa mga sugat ko.

Ilang minuto na siguro akong nakaidlip nang tatlong sunod-sunod na katok sa pinto ang gumising sa akin.

"Excuse me, Sir," bati ng sumungaw na nurse. "Nandito po si Doc. Caparas to inform you."

Tumango lang ako at hinintay na makapasok ang doktor. Binati niya ako. Binati ko rin siya.

"About sa query mo, kung sino ang nagdala sa 'yo rito... hmm. He would like to make it confidential."

"But..." I protested.

"Don't worry, Mr...?" Hinarap niya ang nurse.

"Mr. Hector Placido, Doc."

"Don't worry, Mr. Placido about the expenses. It's his compliment. All you have to do is to rest... Hindi makakatulong sa 'yo ang pag-aalala..."

"Doc. Caparas, it's my right to know the truth. Besides..."

"I'm sorry. It's an agreement between the administration and your benefactor. I'm just following the protocol. God bless, Mr. Placido." Iyon lang at tumalikod na sila.

Hindi na ako nagpumilit, ngunit naniniwala akong may kinalaman uli dito si Val. Marami siyang connection. Iyon ang huling pangungusap na binitawan niya sa kanya.

Napatiim-bagang ako sa isiping iyon. Sana hindi na lang ako pinagmalasakitan ni Val, dahil gaganti siya, gaano man kalakas ang kapit niya. Pagsisisihan niyang binuhay niya pa ako, bulong niya.

Sinikap kong ikalma ang sarili ko dahil sa tuwing nagpupuyos ako sa galit ay kumikirot ang mga sugat ako. Kailangan kong magpagaling sa lalong madaling panahon. Kaya lang, hindi naman ako makaiwas sa kalungkutan. Ang alaala naman ng aking ina ang nagpahirap sa akin. Labis ko siyang name-miss. Siya lamang kasi ang nariyan tuwing nagkakasakit ako.

Nakatulugan ko ang alaalang isinugod niya ako noon sa hospital dahil sa pagkakadulas ko sa basang sahig at ang pagkakabasag ng kanyang ulo.

Hijo De PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon