Kuwarenta y singko

3.2K 11 0
                                    

"Buwisit!" Itinapon ko ang alarm clock ko. Alas-kuwatro kuwarenta y singko pa lang. Bakit nag-alarm kaagad? Naalala ko si Jake. Baka siya ang nag-set. Nawasak tuloy ang orasan.

Bumangon na ako. Nasira na ang tulog ko.

Nag-CR agad ako."Shit! Andumi!'' Kahit aandap-andap pa ang mga mata ko, nilinis ko ang banyo ko. Ilang linggo ko na rin pala kasing 'di nakuskos ang tiles ng paliguan ko. Nakakahiya sa mga bumibisita at bibisita pa.

Wala pang kinse minutos, nag-ring naman ang doorbell. Si Jake at Lemar. Natuwa ako nang makita silang magkasama. "Mukhang nagkasundo na kayo, ah! Pasok kayo."

"Oo, Kuya... wala naman kasing patutunguhan ang away namin."

"Tama 'yon! Mapapatay ko lang 'tong si Jake kung 'di siya makikisama." Nagtawanan kami. "Kaya nga pala kami nandito para... Jake, ikaw na ang magsabi."

"Para... yayain kang magsayaw. Tayong tatlo."

"Whooah! Magandang ideya 'yan! Sinong nakaisip niyan?" Natuwa talaga ako. Hindi ko akalaing magiging tatlo kaming star dancers.

"Ako, Kuya." Si Jake pala ang may idea.

"Ayos!" Umapir pa ako kay Jake. "Kumusta nga pala ang show ni'yo kagabi?"

"Sold out ang alak, Hector!" Exaggerated si Lemar. Hindi naman kami naubusan ng alak, ever since. Pero, naniniwala akong kumita sila kagabi.

Feel at home na si Lemar sa bahay. Nakasalampak pa sa sofa. Si Jake naman, nakaupo lang nang maayos sa isahang sofa. Magkaiba talaga sila. Malayong-malayo sa isa't isa. Pero, sa tingin ko, totoong nagkasundo na sila.

Kinumusta naman nila ang absence ko kagabi. Ikinuwento ko sa kanila ang mga nangyari. Wala akong tinago. Nalaman tuloy nila ang tungkol sa pag-ibig ko kay Lianne, pati ang wet dream na nangyari. Tawa sila nang tawa.

"Kuya, sabi nila... 'pag napanaginipan mo raw ang isang tao, nami-miss ka no'n," sabi ni Jake.

"Huh, talaga? Ibig sabihin... nami-miss ako ni Lianne?"

"Oo!'

Sana lang, naisaloob ko. Siguro napanaginipan niya rin ako. Kasi, miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makita at makasama.

Hijo De PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon