Dise-otso

5.7K 28 0
                                    

Naideposito ko na ang tseke na bigay sa akin ni Madam Luna sa una at huli naming pagtatalik. Masaya ako dahil nadagdagan ang ipon ko. Pero, at the same time, nalungkot ako dahil baka huling beses na akong makatatanggap ng gano'n kalaking halaga mula sa malibog na customer kapalit ang katawan ko.

Naisip ko si Madam Luna. Kahit paano ay malaki ang nagawa niya sa buhay ko. Napagtanto kong hindi pala ako dapat tumatanggi sa bawat gusto o hiling ng customer ko. Naipangako ko tuloy sa sarili ko na tatanggap na ako ng mga indecent proposal, mapabakla man o babae. Lalo ngayon na nais kong makatulong kay Lianne at sa kanyang amang may cancer.

Kung tutuusin, bago dumating sa buhay ko si Lianne, simple lang naman ang gusto ko sa buhay--- kumita sa pagsasayaw-sayaw habang nakahubad. Pero, nang makilala ko siya, mas higit pa roon pala ang dapat kung kitain dahil ang hangarin kong mapasaakin siya ay may kakambal na obligasyon sa kanya at sa kanyang pamilya.

Wala na akong ina. Namatay siya dahil sa sakit na HIV, last year lang. Kaya, ang kinikita ko ay para lang sa akin.

Kailangan ko pa ring kumita nang malaki. Isang taon na lang kasi ang palugit ko para matupad ko naman ang pangarap kong makasakay sa barko. Dise-otso anyos pa lang ako, marubdob na ang pagnanais kong maging seaman. Hindi iyon nagbago kahit nag-e-enjoy ako ngayon sa pagiging macho dancer. Nag-iipon lang ako.

Pangarap kong magkaroon ng pamilya bago ako maging seaman para may inspirasyon ako sa laot. Si Lianne ang katuparan ng pangarap na ito. Siya ang gusto kong maging ina ng aking anak.

Nag-meet kami ni Paulo bago ako pumasok sa Xpose. Ibinigay ko sa kanya ang dalawang libong piso na ipapautang niya kunwari kay Lianne para sa kanyang budget sa pag-aaral habang 'di pa siya nakakahanap ng trabaho.

"Bahala ka na kay Lianne," bilin ko kay Paulo.

Tumango siya at nagwika. "Ang bait mo sa kanya. Hector. I never thought na magiging hulog ka ng langit sa bessy ko. Thanks! Ingat ka lagi."

Nginitian ko na lang siya dahil nagmamadali na ako.

Hijo De PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon