Kuwarenta

3.5K 24 0
                                    

"Salamat sa breakfast!" sabi ko kay Paulo, pagkaalmusal namin. Tapos, nagpaalam na siya. Bumalik naman ako sa Axis.

Marami nang applicants ang mga nakapila pero hindi pa bukas ang agency. Naghintay ako saglit. Nag-observe lang ako. Wala pa akong experience sa pag-a-apply. Ngayon lang ako nakapunta sa maritime agency. Ako lang yata ang naroon na wala man lang bitbit na credentials. Nag-i-inqure lang kasi ako.

Nakipag-usap ako sa isang aplikante. Nakasakay na raw siya. "Magkano kaya ang gagastusin ko, P're?"

"Kung may mga papeles ka na, mga kuwarenta mil, okay na. Makakaalis ka na," sagot ng kausap ko.

Natuwa naman ako dahil kayang-kaya ko pala ang gastusin. May mahigit kuwarenta mil na akong ipon.

"Hector!" tawag sa akin ng isang lalaking naka-fedora cap. Nang tinanggal niya ito sa kanyang ulo, saka ko lang siya nakilala.

"Humprey!" Nagulat ako sa astiging porma ng dati kong kaklase at kabarkada. Ibang-iba na siyang manamit.

"Kumusta? Long time, no see.'' Nakipagkamay pa siya sa akin.

"Oo nga, e! Mabuti naman ako. Ikaw?"

"Ayos lang din. Nakasakay ka na?"

"Hindi pa nga, eh. Mag-i-inquire pa lang."

Nagulat si Humprey. "O, bakit? Ikaw pa naman ang expected kong makakasakay kaagad at magiging kapitan."

Tumawa muna ako. "Gano'n talaga... Hindi ako nagpursige. Ngayon ko lang naisipan."

Lumayo kami sa mga aplikante. "Dapat noon ka pa, nag-apply... Ako, pabalik na uli."

"Oo nga. Naghihinayang nga ako... Nakakahiya tuloy sa 'yo."

"Huwag mong isipin 'yon. Ikaw na ang nagsabi, gano'n talaga... Dati, nangongopya lang ako sa 'yo." Tumawa pa si Humprey. "Ngayon... look at me." Nilahad pa niya ang mga braso.

Hindi naman ako nayabangan sa kanya. Sanay na ako. "Asensado ka na nga, e.'' Malaki naman talaga ang improvement sa kanya. Dati, patpatin siya. Maitim pa at hindi kagandahang lalaki. Iba talaga ang nagagawa ng pera.

Lalo akong nag-crave na makasakay rin ako ng barko. 

Hijo De PutaWhere stories live. Discover now