Setenta y nuwebe

2.2K 14 0
                                    

"D n kta gNcng. duTy q n. almusal kn jn." Text ito ni Lianne. Alas-nuwebe ko na nabasa. Naka-silent kasi.

"Thank you, Lianne! tC"

Ang totoo, gising naman ako habang naghahanda siya ng almusal at habang nagbibihis siya. Hindi ko alam kung hindi niya lang talaga alam na gising ako o sadyang inaakit niya ako.

Wala siyang takot na magpalakad-lakad kanina habang naka-bra at panty lang siya. Nagplantsa pa nga siya nang naka-gano'n.

Kung lagi niyang gagawin iyon, lalo akong mang-iinit sa kanya. Kanina nga ay muntik na akong labasan. Kung hindi nga lang um-extra ng paglabas ang nana sa ari ko, baka sumabog na ang katas ko.

Ang tindi! Sobrang ganda ng katawan ni Lianne. Halatang hindi pa pinagsawaan ng sinuman. Kitang-kita ko kahit nakatalukbong ako ng manipis na puting kumot.

Bumangon ako para magpalit ng brief. Nilabhan ko na rin iyon. Tapos, nag-almusal na ako ng inihanda ni Lianne.

Alas-onse, lumabas ako ng bahay upang i-claim ang tseke na ibinayad sa akin ng misteryosang babae. Nag-grocery na rin ako.

Nang nakauwi ako sa bahay, nasa may pintuan si Mama Sam.

"Sa'n ka ba nagsususuot? Nilamok na ako rito!" Naiinis na wika ng bakla.

"Nag-grocery.'' Tinaas ko pa ang mga plastic bag. "Bakit kasi 'di ka nag-text muna?" Kinabahan akong bigla. Makikita niya ang mga gamit ni Lianne. "Aalis uli ako. Ipapasok ko lang itong mga pinamili ko."

"Saan ka na naman pupunta? Magaling ka na ba?"

"Ipa-process ko ang mga paper ko sa Axis. 'Di ba alam mo 'yon?" Binuksan ko na ang pinto. Hinarangan ko para 'di makapasok si Mama Sam. Tapos, ipinasok ko lang ang mga plastic bag.

"Teka... teka! papasukin mo muna ako." Tinulak niya ang pinto nang ipa-padlock ko na sana.

"Huwag na! Nagmamadali ako."

Wala akong nagawa. Nakapasok na ang bakla.

Hijo De PutaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon