Imperial Confession

Magsimula sa umpisa
                                    

"I was looking for you. I knew you'd go looking for Louisse."

Naalala ko yung matingkad na kulay pulang buhok ni Rose. Kung natuloy yung plano niyang sugatan ako magiging kasing pula ng buhok niya ang balat ko.

"I'm sorry you have to experience that."

Nanikip yung dibdib ko. Kung hindi dumating si Alec, baka sugat sugat na ang mukha ko ngayon. O baka tinuluyan na ako ni Rose. Tumalikod ako kay Alec at pinunasan yung mga luhang bigla na lang tumulo.

Naramdaman ko ang mga braso ni Alec na yumakap sa akin ng mahigpit. Medyo malamig pa rin ang balat niya pero mainit ang katawan niyang nakadikit sa likuran ko. Hindi na ako nagreklamo.

=============================

Nagising ako dahil nahihirapan akong huminga at nanigas nang marealize ko kung anong nakaharang sa mukha ko.

Nakayakap si Alec sa akin at nakatapat ako sa leeg niya. Mukhang nakatulog kami na magkayakap kaninang madaling araw at hindi na ako nakaalis sa mga bisig niya.

Ang tagal na noong huli kong nakayakap sa pagtulog si mama at si papa. Ang tagal na noong huli akong nagising sa tabi nila at naramdaman na safe ako at may nag-aalaga sa akin. Simula noong namatay sila ay mag-isa na lang ako.

Tinanggal ko ang braso kong nakayakap rin kay Alec at marahang umatras para makaalis sa pwesto namin pero nagising siya at nanigas muli ako, hindi sigurado kung anong dapat gawin.

Tinangka ni Alec ngumiti ng malapad pero nabanat yung sugat niya at napangiwi siya sa sakit. Nag-panic ako kasi agad na nagdugo yung labi niya at baka tumulo ito sa unan ko. Tumayo ako para kumuha ng pamunas.

Nakakuha ako ng tissue sa kitchen kaya't yun ang dinala ko kay Alec. Naupo naman agad siya at pinunasan yung sugat niya.

"Anong oras na ba?" Tanong niya.

Tiningnan ko yung cellphone ko. "8:39AM."

Umungol si Alec at sumandal sa headboard. "Inaantok pa ako."

"Matulog ka pa."

"Ikaw?"

"May trabaho pa ako mamayang 11."

"Papasok ka?"

"Oo naman."

Pinagisipan ni Alec ang sagot ko. Kaya't inunahan ko na siya. "Di mo ako pwedeng pigilan pumasok. Wala akong sasahurin pag di ako nagtrabaho."

"Pero si Rose..."

Umiwas ako ng tingin. May onting takot ako na baka balikan ako ni Rose pero kung kinausap na siya ni Alec, siguro naman ay di na siya gagawa ng kung anong pwede kong ikapahamak.

"Di naman ako pwedeng magpasindak kay Rose habang buhay, di ba?"

Tiningnan lang ako ni Alec at saka tinanggal ang tissue sa labi niya. "Fine."

"Bibili ako sa labas ng pandesal. May gusto ka ba?"

"Ako na lalabas." Sagot ni Alec. Tumayo siya  kinuha yung wallet niya sa bedside table.

"Gusto mong kape?"

"Yes please,"

Dumiretso si Alec sa pinto at iniwan ako. Nag-init ako ng tubig at saka naglagay ng kape sa dalawang mugs. Pagbukas ko ng garapon ng asukal ay saka ko narealize na hindi ko alam kung paano tinitimpla ni Alec ang kape niya kaya't hinayaan ko na lang muna yung isang mug at nilagyan ng asukal at creamer ang mug ko.

Nilalagyan ko na ng mainit na tubig yung mga mug namin nang bumalik si Alec na may dalang pandesal at maliit na lata ng liver spread.

"May can opener ka?" Tanong niya.

Polar OppositesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon