"Earthelle!" Sabay kaming tumingin kay Mama, hindi ko alam pero imbis na masaya ko na makita siya dito ako pa ang natakot dahil alam kong kakampihan niya si Renz.

"Sinisigawan mo si Renz?!" Ang galit na sigaw ni Mama, lumapit siya saakin at naramdaman ko na lang yung sampal nya. Naiiyak na nakangiti ko siyang hinarap hindi ako makapaniwalang nagawa sakin to ni Mama! Bakit dahil babae din ang gusto ko? hindi niya ko matanggap?

"Tita okay lang po." Hinawakn ni Renz ang kamay ni mama para maawat ito. Tiningnan ko ng masama si Renz na kung makaarte ay sya ang ginawan ko ng masama!

"Ma." Sa huling pagkakataon tiningnan ko si Mama, umiling na lang ako bago ko nagtatakbo papasok sa loob ng kwarto ko.

Hindi padin ako makapaniwala na mas kinampihan pa niya si Renz. Naiintindihan ko na gusto niya si Renz para sakin pero yung punto na aabot na sa ganito? Haist! Sa sobrang inis ko ay nabalibag ko na lang yung unan sa sahig.

Hindi nagtagal ay may kumatok ulit sa pintuan ko at alam kong si Mama yun, alam kong hihingi siya ng tawad baka napag isip-isip niya na mali ang ginawa niya kanina. Kaya kahit hindi pa ko kumakalma masyado ay pinagbuksan ko na siya ng pinto pero hindi ko tinodo ang bukas nito.

"Thelle anak sorry." I knew it, alam kong mahal padin ako ni Mama and maybe kung maipapaliwanag ko lang sakanya lahat maybe matatanggap na niya kami ni Blythe. pero sa palagay ko hindi muna ngayon.

"Ma, tsaka na lang magpapahinga na lang po muna ko."

"Thelle sige na bumaba ka na diyan at harapin si Renz, humingi ka din ng tawad kay Renz." What?! Si Renz padin?!!!! Binuksan ko na ng todo ang pinto hindi ako makapaniwala!

"Ano ba naman Ma?! Hangang ngayon mas gusto niyong harapin ko yung lalaki na yun?! Okay sige ma didiretsuhin ko na kayo ayoko kay Renz! Hanggang magkaibigan lang kami." Pero hindi ko din alam kung kaya ko padin siyang ituring na kaibigan.

"Bakit sino mahal mo yung Blythe na yun?! Umayos ka Earhelle hindi ako papayag, ngayon pagbibigyan kita pero bukas haharapin mo si Renz at mag so-sorry ka sakanya!" Padabog ko na lang na sinara yung pinto. Sorry I know how to respect my mom but ngayon alam kong galit ako. Katulad ng dati ay binagsak ko ang katawan ko sa kama at binuhos ko ang lahat ng inis, galit at luha sa unang pinulot ko dahil sa pagkakasbalibag ko kanina. Hanggang yung inis, galit at luha ay nawala ng bigla na lang ako nakatulog.

Hindi ko na namalayan ang oras, nagising na lang ako ng may mabilis na kumakatok sa pinto na para bang may masamang nangyari kaya mabilis akong bumangon sinalo ko pa ang ulo ko dahil nahilo ko sa pagkakatayo ko.

"Ma?" ang nag-aalala kong tanong, dahil nakita ko na nagpapanic na siya habang yakap yakap niya sa dibdin niya ang cellphone niya.

"Si Renz naaksidente." Nahirapan pang magsalita si Mama. Nagmandali kong kinuha ang jacket ko alam kong ayaw ko kay Renz pero kaibigan ko padin siya.

"Amy ikaw na muna bahala dito." Ang bilin ni mama kay Amy, naglakad na kami hanggang sa makalabas kami sa abangan ng sasakya at kung kailan naman kami nagmamandali walang dumadaang taxi. Hanggang huminto sa harap namin ang isang pamilya na sasakyan si Blythe.

"Thelle? Mrs.Castillo ano po nangyari?" Ang nag-aalala niyang tanong nahalata niya siguro sa mukha ni Mama ang pag-aalala kaya bumaba pa siya sa kotse niya para lang tanungin kami.

"Labas ka na dito Ms.Martinez." ang matigas na sabi ni Mama, tiningnan naman ako ni Blythe.

"Ihahatid ko na po kayo mukhang uulan pa po." Pero parang walang naririnig si Mama sa pagpriprisinta ng tulong ni Blythe.

"Ma tama si Blythe mas mahihirapan tayong makapunta sa hospital kung hindi pa tayo sasabay sakanya." Tinulungan ko na si Blythe na kumbinsihin si Mama.

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now