Kabanata 32

3K 125 133
                                    

Kabanata 32

Luci




"This.. really is a serious matter." Seryosong sabi ni Cyruz magtapos mabasa ang nilalaman ng libro ng propesiya na dinala ni Headmistress Lucelle. Pinabasa namin ito sa lahat ng taga-Vien Council dahil ito naman ang pinaka dahilan kung bakit kami nagpunta dito.


"Serious lang? Sobrang seryoso dahil kapag nagpakita na ang Guardian, magsisimula na ang kaguluhan." Seryosong sabi ni Rhea na ikinatango naman nina Elinor.


"We need to prepare ourselves." napatingin naman kaming lahat kay Keizer.


"Kailangan handa ang buong Vien World sa dadating na kaguluhan kung hindi ay madaming mamamatay." dadag pa nito.


"Do you have any suggestions?" Tanong naman ni Issac sa aming lahat. Dumaan ang ilang segundong katahimikan bago tumayo si Keizer na may seryosong ekspresyon.


"Headmistress Lucelle," tawag nito kay Headmistress, "Maganda siguro kung sisimulan niyo nang hirapan ang pagt-train sa mga estudiyante. Ihanda niyo sila para sa laban na magaganap lalo na ang mga pinaka malalakas mong mag-aaral." Sabi nito saka kami tinignan isa isa at muling naupo. Nagsalita naman si Elinor.


"Kailangan din nating i-train at ihanda ang mga naglilingkod sa council, kailangan natin maghanap ng lugar na pedeng puntahan pag naganap na ang laban." Sabi nito.


"Maganda na sabihin na ito ng maaga pa sa mga mamamayan para hindi sila gaanong mag panic at magawa nilang maihanda ang mga sarili." Sabi naman ni Ivanna.


Tumayo naman si Isaac na siyang ikinatingin naming lahat sa kanya.


"Kayo ang magli-lead sa mga estudiyante sa laban hindi ba?" Tanong nito sa amin nina Eris na ikinatango nalang namin.


"Are you planning on training them?" Tanong naman ni Cyruz na tila na nahulaan ang iniisip na gawin ng kanilang leader.


"Its not just 'you', its 'us'. Tayo ang magt-train sa kanila." Pagtatama ni Isaac dito.


"Why do we need to train them? Kaya na nila ang sarili nila. At baka maging sagabal at pabigat lang sila." Angal naman ni Zack saka kami binigyan ng isang masamang tingin pero pakiramdam ko ay mas matalim ang binigay niyang tingin sa akin.


"Tumigil ka nga Zack, sila ang magli-lead sa mga students. Dapat lang na makatanggap sila ng wastong training." Sabi naman ni Rhea na ikina-tsk nalang ni Zack.


"Excuse me po?" Napatingin kami kay Lyn nang itaas nito ang kamay na para bang nagre-recite.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Feb 09, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

GuardianOnde histórias criam vida. Descubra agora