Kabanata 8

2.4K 100 5
                                    

Kabanata 8


Luci

"Sino kaya 'yong combat teacher natin this year?" excited na tanong ni Lyn. Nasa training field na kami ng Academy at lahat rin ng mga kakalase namin ay nandito na.


"H-hello!"


Napatingin kami sa babaeng bigla nalang lumapit sa amin. May kasama din itong lalake at parehas silang nakasuot ng salamin. Sila yung isa sa mga nagtanong sa amin kanina.


"Ahh—ah eh.. Ako nga pala si Shane at ito naman si Kit. G-gusto lang namin makipag kaibigan sa inyo!" medyo pautal utal na sabi nung babaeng nakasalamin—Shane habang si Kit naman ay binigyan kami ng isang awkward na ngiti. Ngumiti naman ng malaki si Grey.


"Pedeng pede! Pero bawal ang ma-fall sa akin ah. Hindi ko ka—"


"Of course you can." pagpuputol ni Eris sa sinasabi ni Grey na siyang ikinasimangot nito. Umakbay naman kaagad si Lyn kayna Kit at Shane.


"Kaibigan na tayo!" sabi ni Lyn habang todo ngiti kayna Kit.


"FC masyado 'to, kakakilala mo palang sa kanila." sabi naman bigla ni Lance.


"Kaibigan na nga diba?!" inis namang sabi ni Lyn. Magsasalita pa sana ulit si Lance nang pumasok sa training field ang isang babaeng nakasuot ng salamin. Halata sa mukha nito ang pagiging strikto kaya kaagad na napatahimik ang lahat.


Pumunta 'to sa pinaka harapan naming lahat. Ang training field ay maihahalintulad sa pinaka main field ng Vien Academy dahil parehas silang hindi open field. Ang kaibahan nga lang ay mas maliit itong training field.


"Good morning everyone. I am your third period teacher or your tea-cher in combat to be specific. You can call me Lady Hera." malakas at ma-authoruty na sabi nito sa amin.


"Understood?"


"Yes, lady Hera!" sabay sabay na sagot namin nang magtanong ito. Kahit na ayako ay sumagot na rin ako kaysa naman mapagalitan at mapansin nilang lahat. Lady Hera. Iba iba talaga ata ang gustong itawag ng mga teacher namin sa kanila.


"Good. Let's start. Magkakaroon tayo ng training by pair. Ang ite-train natin ay ang mga vien niyo at para malinaw, ang pinaka main vien niyo dahil ang iba sa inyo ay baka may ibang mga sub vien." pagpapaliwanag ni lady Hera sa gagawin namin. Tahimik lang naman ang lahat at walang nagreklamo. Mga takot kay lady Hera.


"I'll announce the pairs then," pinitik nito ang daliri at lumitaw sa kamay nito ang isang papel.

GuardianWhere stories live. Discover now