Kabanata 31

1.4K 70 9
                                    

Kabanata 31

Luci



"I apologize."


"No, were both at fault." Umiiling iling kong sabi nang mag sorry ito sa akin. Nag sorry din naman ako saka tiningnan siya ng maigi. Black hair and dark violet eyes, that seems to have no emotion.


"Ah, kasama ba kayo nina Headmistress Lucelle?" Monotone nitong tanong. Sasagot na sana ako nang maunahan ako ni Lior.


"Who are you?" Malamig na tanong nito at pinigilan ko naman ang sariling mapabuntong hininga.


"I apologize again. Nagpakilala muna dapat ako sa inyo bago kayo tanongin." Ngumiti ito ng bahagya sa amin pero wala pa rin akong makitang kahit na anong emosyon sa mga mata nito o marinig na kahit na anong interes sa boses nito.


"My name is Keizer Ludwig. Parte ako ng Vien Council. Nakasalubong ko din kanina sina Headmistress kaya tinanong ko kayo." Pagpapakilala nito.


"Luci Crest, siya naman si Arius Lior. Pasensiya na sa inasal niya kanina." Pagpapakilala ko naman sa amin ni Lior. At kahit na hindi ko lingonin ang kasama ko ay alam ko nang binibigyan niya ako ng isang matalim na tingin.


"Ah, no. Its fine." Umiiling iling naman na sabi ni Keizer habang nakangiti ng maliit sa amin.


"So, Ms. Crest and Mr. Lior? Kung pupunta kayo sa meeting room, samahan ko na kayo." Polite na pagkakasabi nito at bahagya naman akong nagpanic dahil tinawag niyang Lior si Lior. Sa isip ko lang siya tinatawag na Lior o kapag wala siya dahil siguradong magagalit nanaman siya.


"Dont fucking call me Lior." Madiin at may pagbabantang sabi ni Lior. Naramdaman ko din ang bahagyang pagtaas ng temperature sa paligid. Napatigil naman si Keizer, saglitlang iyon pero kitang kita ko ang pag blangko ng tingin niya kay Lior bago iyon napalitan ng isang nag aalalang ekspresyon.


"Pasensiya na, hindi ko alam na ayaw mong matawag ng ganon." Paghingi nito ng paumanhin.


"Tawagin mo nalang kaming Luci at Arius.. Anong pede naming itawag sayo?" Tanong ko din naman. Mukhang kaedaran lang namin siya pero tinawag niya kaming Mr at Ms kanina at parte din siya ng Vien Council.


"Tawagin niyo nalang akong Keizer." Sabi nito na ikinatango ko naman. Walang problema dahil yon ang tawag ko sa kanya sa isip ko. Niyaya niya kaming papuntang meeting room kasama niya. Habang naglalakad ay hindi pa din maalis ang matalim na tingin ni Lior. Hindi ko na rin tinanong pa si Keizer kung bakit ginusto niyang samahan kami kahit na mukhang kagagaling at alis niya lang ng meeting room.


After walking for a while, we arrived infront of a huge, golden double door.


GuardianWhere stories live. Discover now