Kabanata 30

1.8K 89 47
                                    

Kabanata 30


Someone



"Ez." tawag ko sa pinuno ng mga rebels. Napatigil naman ito sa paghampas ng isang taong hindi kilala gamit ang latigo at napatingin sa akin. Kaagad itong ngumiti nang makita ako, hindi nito suot ang maskara na lagi niyang suot.


"Bakit ngayon ka lang nagpakita? Noong nakaraang Linggo pa kita hinihintay." Tanong nito at lumapit sa kinatatayuan ko.


"Busy." Maiksing sagot ko naman saka napatingin sa nakahigang tao sa sahig.


Duguan ang likod nito na malamang ay sanhi ng latigo. Nagdudugo din ang ulo nito at walang malay.


"Clean that up." Malamig kong sabi saka naupo sa upuan na nasa silid. Bahagya naman itong napatawa bago ipinitik ang kanyang daliri at sa isany iglap lang ay naglaho na ng katawan sa sahig. Umupo din siya sa upuan na nasa bandang harapan ko lamang saka ako binigyan ng isang ngisi.


"Sana naman ay hindi mo nakalimutan ang kasunduan natin?"


"Ako dapat ang nagsasabi niyan." Malamig kong sabi saka siya binigyan ng isang matalim na tingin. Tumawa naman ito na siyang ikinainis ko. Malakas na hinampas ko ang kamay ko sa lamesa na kaagad naman naging abo, mula sa mga kamay ko ay naglabasan ang mga itim na usok na siyang pumulupot sa kanya dahilan para hindi siya makagalaw.


"Wag mong kalimutan ang posisyon natin. Nakikipagtulungan lang ako sayo dahil may silbi ka pa sa akin." Madiin kong sabi. Kahit na nakangisi ito ay kita at ramdam ko pa rin ang takot niya.


Malapit sa leeg niya ay may nabuong matulis na kutsilyo na gawa gamit ang kapangyarihan ko.


"You are nothing but a mere mortal," Diniin ko ang kutsilyo hanggang sa dumugo na ang leeg niya, "Always remember that." Nagbabanta kong sabi saka siya pinakawalan. Umalis na din ako gamit ang teleportation at kasabay nang pagkawala ko ay ang pagkawala ng kutsilyong nakatutok sa leeg niyang nagdurugo.


I still have a meeting to attend.











Luci



"Naaalala mo ba yung usapang narinig natin dati? Yung tungkol kayna.. Asul?" Bulong ni Dhione sa akin. Mas hininaan pa nito ang boses nang sabihin ang pangalang Asul. Tumango naman ako.


"Yes." Sagot ko. Naglalakad kaming lahat papuntang gate ng Academy dahil tulad ng napagusapan kahapon ay imi-meet namin si Headmistress doon. Nangunguna sina Eris at Grey na nagbabangayan. Kasunod nila sina Mae, Leo, Lyn at Lance habang kami ni Dhione ay nasa pinakadulo. Hindi namin kasama si Lior.


"So, ibig bang sabihin nito ay makikita natin yung si Asul? Part daw siya ng Council." Tanong ulit ni Dhione. Hindi kami rinig nina Lance dahil nga nasa hulihan kami.


"Pero hindi natin alam kung sino siya sa kanila. Plus, may iba pang mga treydor sa Academy." Dagdag pa nito. Napahagikhik nalang ako dahil masyado siyang focus sa pagiisip ng tungkol sa mga treydor. Nakalimutan niya atang napagbintangan din ako bilang isang treydor noong nakaraan.

GuardianWhere stories live. Discover now