Kabanata 27

2K 82 11
                                    

Kabatana 27

Dhione



"So... Saan tayo unang pupunta? Bibili ng damit? Pagkain? Ano?" Sunod sunod at walang preno ang bibig na tanong ng isip bata--Lyn sa amin.


"Pagkain, syempre!" Kaagad namang sagot ni Grey, ang isa pang isip bata at weirdo. Actually weird silang lahat except nalang kay Luci na sa tingin 'ko naman ay matino. Inilibot ko nalang ang paningin ko. Maingay ang paligid dahil kanya kanyang sigaw at akit ng mga mamimili ang mga nagtitinda.


"Hindi ba pedeng mamaya na tayo kumain? Kadadating lang natin." Malamig namang sabi ni Eris. Minsan nga ay parang nasa Antarctica kami dahil sa lamig nilang dalawa ni Lance.


"Nandito tayo para mag imbestiga, hindi lang para mamasyal, kumain o kung ano man." May pagkainis naman na sabi ni Arius, yung parang laging may dalaw sa kanila kung umasta. Palaging nakakunot ang noo nito na akala mo ay laging may kaaway.


"KJ talaga eh." Sabi naman ni Leo saka umirap. Si Mae naman, ang pinaka tahimik at mahiyain ay nakayuko lang.


"I agree with Arius." Malamig namang sabi ni Lance. Napatingin naman ako kay Luci na nakatingin sa kung saan. Nangunot ang noo ko saka sinundan ang tingin nito at nakita ang isang lalake sa gilid.


Nangunot ang noo 'ko at sumingkit din ang mga mata ko dahil may nakikita akong parang kulay itim na pumapalibot sa kanya. What's that?


"Vien World to Dhione? Naka attache pa po ba iyang brain mo? Hello?" Napakurap kurap ako saka napatingin kay Leo na wini-wave ang kamay niya sa harapan ko.


"Anong sabi niyo?" Nagtataka kong tanong.


"Tinatanong namin kung agree ka ba sa amin or kayna Lance." Nakangusong sabi ni Grey. Sasagot na sana ako para sabihing wala akong papanigan sa kanila nang magsalita si Luci.


"That guy is a rebel." Sabi niya habang nakatingin doon sa lalake sa gilid. Sabay sabay kaming napatingin doon. Hindi namin makita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng suot nitong kulay puting maskara na tumatakip sa buong mukha nito.


"Napansin 'ko din yang lalakeng yan kanina. Para kasing may itim na pumapalibot sa kanya." Sabi ko na ikinatingin naman nila sa akin.


"Itim? Anong itim?" Kunot noong tanong ni Eris na ikinakunot rin naman ng noo ko.


"Hindi niyo ba nakikita? May nakapalibot doon sa lalake na parang kulay itim na aura." Nagatataka kong sabi.


"W-wala kaming nakikita." Sagot naman ni Mae na mas ikinakunot ng noo ko. Si Arius naman ay seryosong nakatingin doon sa lalake. Nakatayo lang ito doon sa gilid at walang ginagawa. Hindi nga namin alam kung may nakikita ba ito dahil walang butas ang maskara nito.

GuardianWhere stories live. Discover now