Kabanata 29

1.5K 88 14
                                    

Kabanata 29

Luci



"Ngayong araw, paguusapan at pagaaralan natin ang tungkol sa book of prophecy o ang libro ng propesiya na siyang nakakapagsabi sa atin kung anong maaaring mangyari sa hinaharap." Naalis ang tingin ko sa labas ng bintana nang marinig ang sinabi ni ma'am Reign na kakapasok lang ng classroom namin kanina.


"Nasaan po ba ang book of prophecy ngayon?" Tanong ng isa sa mga kaklase namin.


"Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga ito ng ating Headmistress." Sagot naman ni ma'am Reign. Napatingin ako kayna Eris na nakatingin sa teacher namin.


Sabay sabay kaming bumalik nina Dhione kahapon sa mansion sa Forbidden Forest pero mula non, hindi pa namin nakita si Arius na ngayon ay wala din sa klase.



"The Guardian will come.
They will rise.
And a chaotic war will start.
But fear not,
She who has been protecting us,
She who holds our fates,
She who will guide and unite us,
She who will make the bravest desicion,
And she who will end him, will come and end it all."



"Cool." Rinig kong react ng kaklase kong lalake na nasa unahan matapos basahin ni ma'am Reign ang nakasaad o sulat sa libro ng propesiya.


"Sinasabi din na ang Guardian ay merong tattoo sa kanyang likuran. A pair of wings, one black and one white." Nagtaas naman ng kamay si Grey kaya tinawag siya ni ma'am Reign.


"Bakit po isang black at isang white?" nagtataka niyang tanong. Alanganin namang ngumiti si ma'am sa aming lahat.


"The Guardian is immortal, pero sinasabi na hindi siya tulad ng mga gods and goddesses. Alam lang natin na babae siya ngunit isa pa din siyang malaking mistetyo. Ang sabi ng iba ay siya daw ang nagba-balanse ng lahat. Kabutihan at kasamaan, siya ang nagpapanatili ng balanse." Mahabang paliwanag niya sa buong klase.


"Ibig po bang sabihin hindi isa sa mga gods and goddesses ang Guardian?" Tanong ng isa sa nga babae kong kaklase.


"Walang nakakaalam." Sagot naman ni ma'am Reign. May lalake naman sa bandang unahan na nagtaas ng kamay at tumayo.


"So, pede pong nandito na ang Guardian ngunit hindi natin alam kung sino siya?" Nanlalaki ang mga matang tanong niya. Napangiti naman si ma'am.


"Correct. Ang alam lang natin ay babae siya ngunit hindi natin alam kung ano ang edad o itsura, baka mamaya isa pala siyang estudiyante dito." Tila na-excite naman ang lahat sa sinabi ni ma'am. Nagsimulang magbulungan yung iba. Narinig ko pa yung iba na susubukan daw nilang hanapin ang Guardian dito sa paaralan. Tinawag pa nga ito ng iba na The Guardian's Hunt. Hindi ko naman pinansin ang humahagalpak na tawa ni Renz sa isip ko.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon