Kabanata 22

1.7K 76 7
                                    

Kabanata 22


Luci




"Were going in on 3."


"Wait! On 3 ba or after 3?" Tanong ni Lyn na ikinatigil naman ni Lance.


"Kasasabi ko lang. On 3." Malamig namang sagot ni Lance na ikinahaba ng nguso ni Lyn. Magsasalita na sana ito nang patahimik na sila ni Eris. Kasalukuyan kami nasa harapan ng isang kweba--pasukan ng kweba to b specific. Sa loob nito magkikita kita ang mga rebels at Queen ng elf's at fairies.


"Pede bang tumahimik nalang kayo? Masyado kayong madaldal." May bahid naman ng inis na sabi ni Lior na ikinataas ng kaliwang kilay ni Leo. Ipinatong nito ang kanang kamay sa beywang.


"Kung ayaw mo sa maingay, chumupi ka dito. Reklamo ka nang reklamo." Masungit na sabi nito saka umirap. Hindi ko naman na pinansin ang bangayan nila at napaisip nalang.


Erea Cave. Ang cave na pinaka malapit sa Vien Academy. It may look magical on the outside but don't be fooled, it's full of dangerous creatures and such. May narinig akong usap usap dati na may nakatago daw kayamanan sa loob. I wish it's true.


"P-pasok na tayo." Mahinhing sabi ni Mae na ikinatango naman namin.


"Let's go." Sabi ni Lance saka naunang pumasok sa kweba. Sinundan naman namin siya papasok at dilim agad ang sumalubong sa amin.


"Akala ko ba on 3? Hindi ka nga nagbilang eh!" rinig kong reklamo ni Lyn. May narinig akong pagpitik at sa isang iglap lang ay lumiwanag na ang paligid dahil sa apoy na nagmumula sa kamay ni Lance. Kulay itim ito ngunit napakaliwanag.


"So.. Which way?" Alanganing tanong ni Eris habang nakatingin sa harapan namin. May tatlong daanan sa harapan namin.


"Hmm, gusto niyo kuha nalang ako ng stick tapos ihulog natin? Kung saan tumapat doon tayo dadaan!" cheerful na sabi ni Grey. Bored naman siyang tiningnan ni Eris.


"Stupid idea." Nagdikit naman kaagad ang kilay ni Grey. Magsasalita na sana 'to nang maglakas ako papaabante na ikinatingin nila sa akin. Dahil malaki ang sakop ng apoy ni Lance ay malinaw pa rin akong nakakakita.


Tumigil ako sa tapat ng gitnang daanan at matapos ang ilang segundo ay lumipat sa kanan pagkatapos ay sa kaliwa naman.


"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Lior. Humarap naman ulit ako sa kanila.


"Sa gitna. May nararamdaman akong aura doon." Simpleng sabi ko. Nangunot naman ang mga noo nila habang sina Leo at Mae ay para bang may naalala.


"Wait.. You can feel it? Kahit ganito kalayo?" Nagtatakang tanong ni Leo. Napatigil naman ako. Right. Only a few or certain of people can do this. Normal ang na maramdama mo ang aura o lakas ng vien ng isang vien user pero hindi normal 'yon kung ang distansya niyo sa isa't isa ay napakalayo.


"Tera na." Sabi ko nalang at nauna nang maglakas papasok sa bandang gitna kaya wala silang nagawa kundi sundan ako.


"Tsk." Kahit na nakatalikod ako sa kanila ay alam kong kay Lior 'yon nanggaling. Kahit rin di ako nakatingin sa kanila ay sigurado akong masama ang tingin niya sa akin ngayon. He's still probably suspecting me.


Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarinig kami ng mga boses nang liliko na sana kami. Tumigil kami saka yumuko.


"Nasaan na ang asawa ko?!"

GuardianWhere stories live. Discover now