Kabanata 28

1.6K 67 8
                                    

Kabanata 28

Luci


"Shit."


Pagkalabas na pagkalabas namin ng portal ay narinig agad namin ang pagmumura ni Lior. Iniluwa kami ng portal ko sa harapan ng gate ng Vien Academy. Sina Lance at Erin ay mas seryosong ekspresyon habang sina Grey at Lyn ay tila malalim ang iniisip. Si Lior naman ay palakad lakad na tila hindi mapakali.


"Who is that?" Tanong bigla ni Mae na ikinatingin naming lahat sa kanya. Nakatingin ito sa mga kamay niyang bahagyang nanginginig.


"A-ang lakas ng kapangyarihan niya. Parang mas malakas pa kay Headmistress. Nakakatakot." Dugtong niya pa.


"Maybe hes part of the Dark Council." Sabi ni Lance. Umiling naman si Eris.


"No. Kumpara sa mga myembro ng Dark Council ay mas malakas ang kapangyarihan ng lalakeng yon." Sabi niya. Napatingin naman ako sa sahig. Isang tanong lang ngayon ang laman ng isip ko. Why? Why is he there?


"That guy introduced himself as Ez." Sabi naman ni Leo. Itinaas ko nalang naman ang kanang kamay ko na ikinatingin nila sa akin. Sa isang iglap lang ay may nabuo nang portal sa harapan ko.


"Kailangan natin itong sabihin kay Headmistress." Sabi ko na ikinatango naman nilang lahat. Si Lior ay dirediretsyong naglakad papasok ng portal at kaagad naman kaming sumunod. Pagbukas ko ng mga mata ko ay nasa harapan na kami ng Headmistress Office. Ako nalang ang nagbukas ng pintuan. Hindi na rin ako nagabala pang kumatok.


"Grey. Anong sinabi ko tungkol sa pagkatok bago pumasok——Luci?" kunot noong tanong ni Headmistress Lucelle. Mas nangunot ang noo niya nang makita niya kaming lahat na pumasok.


"What happened?" Tanong nito nang mapansin ang mga seryoso naming ekspresyon. Si Lyn naman ang sumagot.


"Headmistress, maynakitapo-kamingrebeldoonsaVienCity" Nangunot ang noo ko. Sa sobrang bilis ng pagsasalita niya ay yung Headmistress at Vien City lang ang naintindihan ko.


"Slow down." Sabi ni Headmistress. This time, si Lior na ang nagsalita.


"May nakita kaming isang rebel sa Vien City kanina. A powerful one." Seryosong sabi ni Lior na ikinakunot ng noo ni Headmistress.


"May kaugnayan ba 'to sa mga nawawalang tao sa Vien City?" Tanong ni Headmistress na ikinailing naman ni Leo. Ibinuka nito ang bibig pero muli niya rint isinara na para bang hindi alam o sigurado kung ano bang dapat sabihin. Napahugot nalang ako ng malamim na hininga bago magsalita.


"It's him." Sabi ko na ikinatingin nilang lahat sa akin. Ang mga mata nina Eris ay para bang nagtatanong kung sino ang tinutukoy ko.


"The leader of the rebels." Dugtong ko na ikinalaki naman ng mga mata nila.


"The leader? Are you sure? Sigurado ka bang si Ez na leader ng mga rebel ang nakita niyo doon?" naninigurado at tila hindi makapaniwalang tanong ni Headmistress. Tumango naman ako.


"Yes. Im certain. Pinakilala niya ang sarili niya bilang si Ez, suot suot niya din ang maskara na lagi niyang sinusuot." Paliwanag ko. Magsasalita na sana si Headmistress Lucelle pero napatigil kaming lahat ng makaramdam ng pagkalamig. Lahat kami ay napatingin kay Lior na may nakakamatay na tingin. At ang nakakamatay na tingin na yon ay nakatuon sa akin.


GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon