Kabanata 9

2.4K 99 14
                                    

Kabanata 9


Luci



"That guy.. Arius was it? He's an interesting one." sabi ni Renz. Humigop naman ako ng tsaa at hindi sumagot. But truth be told, Arius Lior is an interesting guy.


"So, bakit mo 'ko pinatawag? Pede naman na ikaw nalang pumunta sa dream world." tanong nito sa'kin. Wala kami sa dream world ngayon kundi nasa kwarto ko lang sa dorm namin nina Eris. Kaya ni Renz na magkatawang tao dahil kumpara sa mga normal na spirit ay nakaaangat siya. May limit nga lang.


"May ipapagawa ako sa'yo." sabi ko at tiningnan naman niya ako na tila namamangha.


"Ang isang Luci Crest hinihingi ang tulong ko? Wow. Sugoi. Daebak." sabi nito. Ibinaba ko yung tsaa sa lamesa na nandito sa kawarto 'ko saka may inabot na folder kay Renz. Nangunot naman ang noo nito nang mabasa ang laman non.


"Gagawin mo akong babysitter?" medyo inis na tanong sa'kin nito.


"Bantayan mo lang siya." sabi ko. Wala akong sinabi na magiging babysitter siya. Pinababantayan ko lang sa kanya yung nagmamayari ng information at profile na laman ng folder na ibinigay ko sa kanya.


"Fine." pagsuko nito. Lumiwanag siya bigla at pumasok ang liwanag na 'yon sa katawan ko. Sigurado ako na binabantayan niya na ngayon sa dream world gamit ang mirror of the present ang taong pinapabantayan ko sa kanya.


Tumingin naman ako sa orasan na nandito sa kwarto 'ko at nakitang 6:30 AM na. 30 minutes nalang at pasukan na. Malamang ay nag aayos na sa labas sina Eris at Lyn. Nakasuot na ako ng uniform at nakaayos na rin dahil maaga ako nagising. Shockingly, maaga din nagising si Lyn ngayon. Usually ay palagi yang tanghali magising.


"Luci? Tapos ka na?" rinig kong tanong ni Lyn mula sa labas ng kwarto ko. Pinagbuksan ko naman siya ng pintuan.


"Pinapatawag tayo ni Headmistress eh." sabi nito sa akin.


"Bakit daw?" tanong ko naman.


"Hindi ko din alam. Hindi sinabi nung babaeng nag sabi kanina, kaya tera na!" hinila ako bigla nito kaya naman nagpahila nalang ako dahil baka mamaya ay mangulit pa siya. Naabutan naman namin si Eris sa sala na bihis at ayos na.


Pumunta na kami sa Headmistress Office at bago pa kami makapasok ay nakaagaw pansin ko pa 'yong gold na door knob. Im definitely gonna snatch you once i run out of money.


"Good morning, Headmistress." bati nina Eris at Lyn kay Headmistress pagkapasok namin. Tumango lang naman ako sa kanya. Nginitian kami nito saka kami pinaupo sa sofa na nandito.

GuardianWhere stories live. Discover now