Kabanata 10

2.5K 75 6
                                    

Kabanata 10


Luci



"I can't believe that guy! Tawagin ba naman akong asungot? Hindi ba't nakakainis 'yon, Mae?"


"O-oo.."


Sumubo ako ng isang french fries at hindi pinansin ang usapan nina Mae at Leo—pinaiksing version ng pangalan niyang Leonardo na masyado daw panglalake. Nasa cafeteria kaming lahat ngayon at nakipagkaibigan sila sa amin kanina nung makalabas na kami ng Headmistress office.


Hindi namin kasama si Lior, of course.


"Kilala niyo ba si Arius?" tanong ni Lyn sa kanila habang ang bibig nito ay punong puno ng tinapay.


"Hindi. Nakasabay lang namin sa pagpunta yuny panget na 'yon—ahh, sarap talaga niyang sapakin!" tila nanggigigil na sabi naman ni Leo.


Si Mae naman ay natimik lang na nakain. Parehas daw silang nasa section B pero dapat talaga ay nasa section A sila at namali lang sila ng lagay kaya inilipat sila ni Headmistress sa section A.


"Still, hindi ba't ang weird lang na bigla bigla nalang silang gagawa ng isa pang section?" tanong naman ni Grey. Napatingin ako sa plato nito na punong puno. Hindi ata nataba ang isang 'to.


"Wow. Marunong ka palang mag isip." sarkastikong sabi ni Lance. Napanguso naman si Grey dahil sa sinabi nito. Mukhang si Lyn lang talaga ang sinasagot sagot niya.


"It is weird indeed," sabi naman ni Eris kaya napatingin kaming lahat sa kanya, "Tulad ng sabi ni Head-mistress, nandiyan ang tauhan ng school at Vien council. Bakit kailangan pa nila tayo?" pagpapatuloy nito. Smart.


"H'wag niyo na ngang isipin yan! Kumain nalang kayo." sabi naman ni Leo. Napatango tango naman ako bilang pagsangayon. Wala rin naman patutunguhan ang pagiisip nila. Some things and secrets are better be said and revealed when the right time comes.


I forgot to tell you guys something important. Bumalik kayo dito sa office 'ko.


Bigla nalang akong nakarinig ng boses sa isip ko at sigurado akong hindi 'yon si Renz dahil boses babae yon. Napatingin naman ako sa mga kasamahan ko na bigla nalang napahawak sa mga ulo nila.


"Headmistress naman!" nakangiwing sabi ni Grey.


"That was the Headmistress. May kapangyarihan kasi siyang telepathy at sa tuwing ginagamit niya yon ay sumasakit ang ulo namin." pagpapaliwanag ni Lance habang nakahawak sa ulo niya nang mapansing nagtataka ako. Right, i forgot about that.

GuardianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon