Kabanata 21

1.7K 81 4
                                    

Kabanta 21


Luci



"Bitawan mo nga 'ko, babae!"


Malakas na iwinawiwas ni Lior ang pagkakahawak 'ko sa wrist niya kaya napatigil ako sa paglalakad pati na rin sina Lyn. Hinawakan pa niya ang magkabilang balikat ko ng mahigpit ngunit hindi sapat para masaktan ako.


"What the fuck are you doing? We need to get that gem! What are we going to do of the rebels--!" Quiet. Bago pa matapos ni Lior ang isinisigaw niya ay bigla nalang siyang napasara ng bibig na ikinalaki ng mga mata niya. Napatingin naman ako sa mga kamay niya sabay balik tingin sa mga mata niya.


"Bitaw." Kaagad naman niya akong binitawan. Ang nanlalaking mga mata nito kanina ay napalitan ng isang nanlilisik na tingin--sa akin. Itinaas nito ang kaliwang kamay niya ay akmang ilalapit sa mukha ko nang mahawakan 'ko yon.


"Nananakit pala ng isang babae ang isang Arius Lior. So immature." Sabi ko at binulong yung huli pero sapat lang para marinig niya. Mas lalong nagdikit ang kilay nito. Akmang magsasalita na'to nang pumagitna na sa amin si Grey.


"Kalma! Chill lang tayo girls and boys, para naman kayong may dalaw." Natatawang sabi nito. Binigyan naman siya ng masamang tingin ni Lior na ikinaatras niya.


"What the hell? Lalake ako, hindi ako nagkaka ganon!" Inis na singhal ni Lior.


"Oo nga naman!" Sabi naman ni Lyn. Napabuntonh hininga nalang ako. Hindi ko pinansin ang bangayan nila daka bahagyang lumayo sa kanila. Itinaas ko ang mga kamay ko saka nag concentrate.


No, you dont. You shouldn't. Masyado nang madami ang ipinapakita mong vien. Singit ni Renz sa isipan ko na hindi ko naman pinansin. Itinapat ko ang kamay ko sa harapan at maya maya lang ay may itim na lumabas sa kamay 'ko. Ang itsura nito ay parang alikabok pero nang nagsama sama ito ay bumuo ito ng malaking bilog.


"Is that.." Napatingin ako kay Lior nang magsalita siya. Bahagyang nakaawang ang mga bibig niya habang nakatingin sa itim na portal. Sina Grey at Lyn naman ay nakanganga na talaga.


"A high level portal!" magkasabay na sigaw nina Grey at Lyn. Mabilis pa sa alas kwatrong nakapunta sa harapan ko si Lyn. Dinampot nito ang mga kamay ko.


"Ikaw ba gumawa niyan--paano mo nagawa yan? Diba wala na daw may kayang gumawa ng black portal? Paano?" Dahan dahan ko namang inalis ang kamay ko sa pagkalahawak niya saka bahagyang lumaya sa kanya. Too close.


"Pede isa isa lang yung tanong?" Nakangiwi kong tanong.


"Paano mo nagawa--"


"Akala ko ba wala nang may kayang gumawa ng black portal?" Napanguso nalang si Lyn nang maunahan siya ni Grey mula sa pagtatanong. Si Lior naman ay nakatingin lang sa akin. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumagot.

GuardianWhere stories live. Discover now