Kabanata 2

3.6K 106 13
                                    

Kabanata 2


Luci



Ano kayang klase ng tao ang mga magiging room mate 'ko?



Nang makakatok na 'ko ng tatlong beses ay nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa pintuan at sa isang iglap lang ay bumukas na 'to at iniluwa ang isang babaeng may violet na mga mata at violet ring buhok. Nang makita ako nito ay para itong nagulat. Natulala ito sa akin kaya naman nagsalita na ako.



"Magandang gabi. Ako 'yong bago niyong magiging roo-"



"Ikaw iyong bago naming room-mate diba? Kyaah! Lakuret halika dito, nandito na 'yong bago nating kasama!" bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay tumili ito ng ubod ng lakas kaya naman pinigilan 'ko ang sariling mapatakip ng tainga. Ang lakas masyado ng boses niya.



Wala pang tatlong segundo ay may sumulpot naman na isa pang babae sa tabi nito. Nakasuot ito ng salamin pero hindi yung sobrang laki. Bagay ang salamin sa kanya at nagmukha siyang office lady dahil doon. Meron siyang black na buhok at black na mga mata na bumagay naman sa kanya.



"Where did you get that big doll?" tanong nito sa kasama habang nakatingin sa akin.



"Hindi ako manika." sabi 'ko. Bahagya naman nanlaki ang mga mata nito saka tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tumingin ito sa kasama niya na nagtatatalon na para bang masayang masaya na makita ako.


"Holy bread! Ang ganda ng bago nating room mate, Eris! Para siyang living doll!" sabi ng babaeng may violet na buhok na may kasama pang tili. Binatukan naman siya ng babaeng nakasalamin kaya napatigil ito saka napanguso. Tumikhim yung babaeng nakasalamin saka tumingin sa akin.


"Pasensiya na dito kay Lyn, maingay talaga yan. Pasok ka na muna." polite nitong sabi saka nila ako pinapasok. Napabuntong hininga nalang ako sa isipan 'ko saka tahimik na pinasalamatan siya. Ilang minuto na rin kasi kaming nakatayo dito at onti nalang iisipan ko nang wala silang balak na papasukin ako.


"Welcome sa room namin-este natin na pala!"



Pagkapasok na pagkapasok namin ay namangha kaagad ako dahil sobrang laki ng room na'to. May tatlong pintuan dito at tiyak akong kwarto namin yung mga yon. May CR din at isang malaking flat screen TV. Meron ding malaking kusina. Halos lahat na ata ng kailangan mo nandito.


"Ang ganda 'no?" napatango nalang ako.


"Ako nga pala si Lyn Melody at ito namang kasama 'ko ay si Eris Ravens. Ikaw ano name mo?" tanong sa akin ni Lyn nang makaupo kami sa sofa-ng nandito. Melody and Ravens. Pakiramdam ko ay narinig ko na ang apelyido nila dati pero hindi ko lang matandaan kung saan at kailan ko narinig. Di na ako magtataka kung hindi ko matandaan. Matagal na rin kasi simula nung pumunta ako dito sa Vien World.



GuardianWhere stories live. Discover now