PROLOGUE

1.5K 35 3
                                    

"Ahhhhhhh!!!" Ang sigaw ko habang pinupukpok ko ng mahina ang ulo ko sa desk ko.

"Paktay naalala nanaman siguro nito yung boyfriend niya na nakilala niya lang sa Role Play World." Hinayaan ko na lang si Xyrille na magsalita.

"Correction yung GIRLFRIEND NIYA!" Dahil sa sinabi ni Clyde ay napabangon na ko.

"Ayan beks! Sa wakas nasilayan na namin ang maganda mong mukha." Kami na lang kasing tatlo ang naiwan dito sa loob ng room kaya naasar na ko ng isang to. Nagpapadyak na lang ako sa inis.

"Kasi naman! Bakit nang-iwan na lang siya bigla! Wala man lang paalam wala man lang Thank you sa lahat goodbye!" Hinawakan ko ang cellphone ko na aktong ibabalibag ko na sana pero pinigilan lang ako ni Clyde.

"Kalma beks! Jusko kakapalit mo lang ng cellphone!" Kinuha ni Clyde ang cellphone mula sa kamay ko at nilagay ito sa bag ko. Samantalang si Xy naman ay umupo sa upuan na nasa tabi ko.

"Ayokong siraain ang kabaliwan mo pero matagal na siyang nakipaghiwalay sayo hmmm 3 years ago na tapos kakasagot mo lang kay Renz kahapon. Okay? Okay! Ipinapaalala ko lang." Mabuti pa to matinong kausap masakit nga lang magsalita.

"Truth! hindi mo ba kasi sinabi sakanya na alam mo ng girlalu siya? At nakita mo na ang mala dyosa niyang mukha?!" Umiling lang ako.

"Tange mo! Pabatok!" Tiningnan lang sya ng masama ni Xy kaya huminto na to.

"Bakit hindi mo sinabi? Baka kasi nahihiya lang si Shin na umamin sayo. I mean si Blythe." Si Blythe na nakilala ko sa RPW na babae pala talaga at ang real name niya ay si Blythe.

"Bigla na lang siyang nawala." Hindi na ko nagtataka kung may nakilala na siyang iba I mean sobrang ganda niya sa picture paano pa sa personal?

"Ayan sayang ang load, sayang ang skins sa ML at LOL na binigay mo sakanya Akali ang Balmond pa more." Mag-asar pa kasi tong si Clyde ee.

"Tama na baka hanggang doon lang talaga ang love story niyong dalawa tanggapin mo na lang. Okay? Let's go libre na lang kita ng fries." The best talaga tong bestfriend ko.

"Wait! Pano naman aketch?! Ee yan tatlong taon ng broken" Vaklang to!

"Bakit broken ka?" Ge nabara ka tuloy ni Xy.

"Oo broken ako kay fafa Renz araw araw! Lalo na at ang type ay etong bruhildang ito na nababaliw sa dyosang Blythe Martinez na yun! Na nakilala lang sa mundong ginawa ni Mark Zuckerburg" Sinabunutan pa ko. Pero nagtawanan na lang kami.

Palabas na kami ng school ng mapadaan kami sa office ng school dahil naiwan ni Ma'am Hilda yung pouch niya sa room naming siya kasi ang ICT teacher naming.

"Maiba taya! kung sino ang papasok sa loob ng office!" Ang sabi ko tapos sa huli ako din ang talo. Kaya eto kabado kong pumasok, hindi naman sa pagmamayabang sikat kasi kaming tatlo sa school, hindi dahil sa ganda, hindi din kami member ng student council, hindi din kami anak ng may-ari nitong school, hindi din kami mga gangster at wala din kaming mamahaling kotse. Sikat kami dahil solid ang friendship naming tatlo. Dahil sa totoong mundo tunay na kaibigan lang ang kailangan mo.

"Ms.Castillo? Ngayon lang kayo aalis ng building niyo?" Ang tanong sakin ni Sir Aaron ang adviser ng course naming na Fine Arts.

"Yes po sir, si Ma'am Hilda po? Naiwan po kasi niya yung pouch niya isasauli lang po namin."

"Ah kasama mo pala yung dalawa nako trio talaga kayo no? nandun si Ms.Hilda sa private office kausap yung mag sa-subtitute sainyo bilang ICT alam niyo naman maternity leave. Iwan mo na lang sakin ako na ang bahalang mag-abot sakanya." Sino kaya ang bago naming teacher? Lalaki sana o kaya babaeng kasing hot ni Blythe. Charot! Sa libro at teleserye lang nangyayari yun.

"Ok po thank you po."

Nagpaalam na ko at lumabas ng office. Pero ang mga hunghang nawala bigla at sumalubong sakin ang nakangiting si Renz na mapawais pawis pa dahil kakatapos lang ng practice nila ng Soccer.

"Babe nauna na sila Xyrille and Clyde may biglaang lakad saw sila. Hmmm sabay na tayo umuwi?" okay stop thinking about Blythe may boyfriend na ko and it's Lawrenz Rivera.

"Okay." Habang naglalakad ako kasama si Renz, maybe this is the right time to forget her. To forget Blythe Martinez. Tama si Xy hanggang dito na lang ang love story naming dalawa ni Blythe.

"Ms. Castillo!" Sabay kaming napalingon ni Renz sa tumawag sakin na si Ma'am Hilda.

S-shet! A-ano ginagawa niya dito? Teka ano itsura ko? baka mukha akong bruha dahil kakaiyak ko lang kanina?! Teka!

Lumapit si Ma'am Hilda habang nakaalalay siya. Gentleman pala talaga siya I mean gentle woman.

"Ms.Martinez siya si Ms.Castillo ang isa sa pinakamabait na estudyante ko." okay mabait talaga kami makukulit lang. Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko okay kalma self hindi ka niya makikilala kahit nag face reveal ka sakanya hindi ka niya makikilala kasi yung labi mo lang ang pinakita mo. KALMA!!!!!

"Nice to meet you Ms. Castillo." Ang ganda pala ng ngiti niya. Okay bawal maging marupok.

"N-nice to meet you din po Ms.Martinez." agad na kong bumitaw ito ang first meet namin. Lambot ng kamay tamad talaga.

"Bukas Eathelle ay simula na ng maternity leave ko ikaw na ang bahala kay Ms.Martinez siya ang magiging teacher niyo sa ICT lahat ng course kaya make sure na ituturo mo sakanya kung saan siyang room. Okay? Don't worry Ms.Martinez is a fast learner you can just help her in her firstday which is tomorrow." Napalunok ako dahil sa kaba pero nakangiti lang siya sakin hays hindi ba niya talaga ko kilala?

"Y-yes po Ma'am."

"Okay thank you maasahan ka talaga, ingat kayo ni Mr.Rivera uuwi sa bahay ah hindi kung saan saan." Inakbayan naman ako ni Renz. Hindi ako kumportable kaya pasimple ko tong inalis.

"Don't worry ma'am ako na po ang bahala sakanya she's my girlfriend, she's my responsibility." Tiningnan ko naman si Blythe, tiningnan ko kung ano ang magiging reaksyon niya pero wala.

"Tara na po sa loob ng office Ma'am Hilda? Bawal po kayong mahamugan." Tumalikod na sila at naglakad palayo.

Totoo ba to?

Pero paano?!

Ano na gagawin ko?!

CONNECTED [COMPLETED]Where stories live. Discover now