"Dude, what are you talking about?"

"You want to know anong nakikita ko? Hey, what if you're expecting something pero it turns out hindi naman pala?"

"Just say it, Howard!"

"Papaano kung isa sa inyong dalawa magkakagusto sa isa't isa? Hindi mo ba naisip 'yan?"

"Wha—that's impossible! You're spouting nonsense!" gulat siya sa sinabi nito. Him? Fall for Alana?!

"Papaano ako magkakagusto sa isang tao na aampunin ko bilang anak?"

"I'm just asking you nag-panic ka na diyan. So, what will you do? Okay, heto na lang. What if magkagusto sa'yo si Alana? You just said na parang hindi nito nakikita ang pagiging parent mo sa kanya."

"No."

"Really! Dude, she's already eighteen and pagdadaanan ng isang babae ang magkagusto sa iba. Alana is not exception to it and malay mo, hindi mo pa alam pero what if magiging totoo ang sinasabi ko?"

"Still no. At bakit naman kami pupunta sa ganyang sitwasyon. She's too innocent to describe the word "fall in love" other than she loves he mother. She's innocent though pero wala akong nakikitang ganyan sa kanya. Hindi nga siya takot na yakapin ako at nahawakan ang akin—"

"Nahawakan, what?"

Sh*it. He accidentally said that!

"Hmm? Ano yan? So may nangyari nga?!"

"No! Nothing happened. Fo-forget it."

"Dude—"

"Anyway, mabalik tayo. I believe hindi mangyayari 'yan. Ang tanging rason bakit nandito si Alana ay para makapagtapos ng pag-aaral and hintayin ang kanyang ama. I know na magiging mahirap sa posisyon ka na palitan ang totoo niyang ama dahil umaasa pa rin siya na babalik si Francisco."

Mataman siyang tinignan nito. "Word of advice, kung seryoso ka talagang ampunin si Alana, unahin mo muna ang problema mo sa ama niya. Don't tell me nakalimutan mo na si Francisco?"

"Ye-yes." That man. He almost forget that man dahil focus siya kay Alana.

"Kesa unahin mo si Alana, remember hanggang ngayon 'di pa rin natin mahanap ang lalaking 'yun. What if bigla na lang siyang magpakita at bawiin si Alana? We've trying our best para i-track down ang location niya pero sa galing magtago ng kumag na 'yun, huwag kang magpapakampante na 'di na siya babalik dito.

And what if sa pagbabalik niya, sasama si Alana sa kanya? Your efforts, emotional attachments sa kanya masasayang lang? What will you do?"

Howard is right. Mula ng tumira sa bahay niya si Alana, everything changed. He became someone else unlike before na kahit nasa bahay na siya trabaho pa rin ang iniisip niya. What if she chooses his father over him? What will he do? Malalaman lamang niya 'yan kung sasama ba si Alana sa ama niya o hindi.

But, one thing he knew from the start was the true intention of that man.

"Sir. Roman," pumasok ang secretary niya. "Everything is ready. Kayo na lang po ang hinihintay."

"Well, I think our conversation ends for now. May pupuntahan din akong meeting. Send my regards to Alana, okay?" and he left.

"If that happens," he smirk and said. "bago pa niya kunin si Alana, kailangan muna niyang bayaran ang lahat ng pagkakautang niya sa akin. Ginawa niyang kolateral si Alana? I will make sure malalaman ng lahat ang ginawa niya and maybe there's something more. Tatadtarin ko siya ng maraming ebidensya bago niya mahawakan ang darili ng anak niya."

Dadaan muna sa kanya ang tao na 'yan.


[ALANA]

Alas nuwebe na ng gabi at aliw na aliw siya sa panonood ng cartoons. Komportable siyang nakasandal sa sofa, nakatalukbo ng kumot habang kumakain ng cake. Ang ganda kasi ng palabas at nagugustuhan niya ang mga kulay at mga karakter. Hindi man niya naiintindihan ang napapanood niya, naaliw pa rin siya.

Dahil matatagalan pa daw makauwi si Roman, siya lamang mag-isa ngayon sa bahay at dahil sabado bukas at walang klase, inaaliw niya ang kanyang sarili. Siguro pwede niyang hintayin si Roman sa paguwi nito.

Naalala niya bigla ang nasabi niya kanina rito. Nagaalala lang naman siya dahil magabala pa itong bigyan siya ng pasalubong. Basta makauwi lang ito pagkatapos ng trabaho, ayos na sa kanya.

Ang daming nangyari sa kanya simula ng tumira siya dito isang buwan na ang nakakalipas. Bukod sa pinag-aral siya, nakilala niya kung sino si Roman, mga magulang nito, kaibigan at iba pa tungkol rito. Strikto man ito sa trabaho pero hindi pinagkaila na may mabait at maalahanin ito sa mga taong nakapaligid rito.

Matapang, suplado at parang galit ito kung titignan pero baliktad naman ang ugali nito. Siyempre, hindi niya kakalimutan na gwapo ito!

Maliban sa strikto, hindi pa niya ito nakitang magalit ng husto. Siguro wala sa pagkatao ni Roman ang ganoon.

Nahinto siya ng tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at tinignan. Teka, bakit numero lang ang nakalagay dito? Si Roman ba ito? Si Sarah?

Baka si Roman. Pinindot niya ang call button. "Hello?"

"Hey! Where are you!"

Nagtaka siya. Boses babae at parang nasa maingay itong lugar.

"Sino po ito?"

"Duh! It's Ruby! Remember? Our secret party?!"

Bigla siyang napatayo. Oo nga pala! Ang party nakalimutan niya!

"Come here right now! Ikaw na lang ang hinihintay namin!"

"Pe-pero, kailangan ko ba talagang—"

"What?! 'Di ba gusto mo iba ang magiging tingin sa'yo sa school? This is it so halika na!" sabay putol sa linya.

Nagiisip siya kung tutuloy ba siya. Pero, tama naman si Ruby. Gusto niyang ipakita sa iba na pwede siyang makipaghalubilo sa kanila at hindi siya iba kahit nakatira siya sa malayong lugar. Oportunidad na ito para sa kanya!

Isang gabi lang ito at kung aayaw siya, ibig sabihin sinayang niya ang pagkakataon nito para sa kanya.

Tinignan niya ang orasan. Maga-alas nuwebe imedya na. Siguro 'pag pupunta siya ngayon, may oras pa siya para makabalik ng maaga at 'di malalaman ni Roman na umalis siya.

Tama. Pupunta lang siya doon at 'di siya magtatagal. Sige, 'yun ang gagawin niya.

Pumunta siya sa kwarto at nagpalit ng damit. Kinuha niya and invitation card kung saan nakasaad ang address, ang susi ng bahay tiyaka tahimik na lumabas ng gate.

"Promise, sandaling sandali lang ito at pagkatapos uuwi ako agad at magiging maayos ang lahat. Hinding hindi ito malalaman ni Roman."


To be continued...

A/N: Petey ka, Alana. First offense mo 'yan. Magiging pariwara ka ba in the pyuchur?? Susme, huwag gurl!

The Billionaire's AdoptedWhere stories live. Discover now