Chapter 47- Kabayaran sa Pagsingil

93 4 0
                                    

Paano niyang natuklasan kaagad? Yan ang tanong na bumabagabag sa isip ko sa buong oras. Pero isang malaking tulong na yan dito. Di ito yung kaso na di mo masolve kaagad, aabutan ka ng ilang buwan para masolba ang isang parte ng isang napakalaking kaso.

"Ngayon na po?" Tanong ko kay Sir.

"Oo, ngayon na." Sagot niya sa akin.

Susunduin ko na si Paulo

--------
Parang parati yata akong minamalas sa tuwing magtatrabaho ako. Naiistress ako sa kumag na 'to na walang ibang ginawa kundi magreklamo.

"Ano na naman ba ang kailangan niyo sa akin? Ayaw ko nang makita ang putanginang istasyon na to." Sambit ni Paulo pagtapak pa lang sa istasyon.

"Wala ka nang magagawa. Kailangan eh. Person of interest ka pa rin, kahit ano ang gagawin mo. Wag na wag mo yan kakalimutan."

"Tangina, 'di niyo ba ako titigilan? Sawa na kong makikita mga pagmumukha niyo rito!"

"Tumahimik ka na muna diyan, sumasakit na ulo ko sayo!"

Ang masasabi ko lang ay kakaiba 'tong tao na ito. Tila hindi ito napapagod kakaputak. Halos kakaladkarin ko na nga siya paloob, eh, para lang sumama sa akin.

Masisiraan yata ako ng bait nang dahil sa kakaputak nito. Buti na lang, 'di na nagkakalayo ang interrogation sa nilalakaran namin. Maya't maya pa ay matatahimik rin 'to. Pero panigurado mas lalo 'tong di tatahimik pag makita niya ang Mama niya na nasa loob at kausap si Sir Lim.

"Make yourself at home na lang." Ito ang tanging sinagot ko sa sandamakmak niyang mga pinagsasabi sa akin.

At nang makarating na kami sa interrogation room, ang bumungad sa kanyang mga mata sa pagbukas ng pinto ay ang Mama niya nga na nakaupo pa rin doon sa mga oras na ito.
Pagpasok namin, ay may nakalapag nang projector at laptop sa lamesa. Maging ako ay nagulat na rin dahil hindi ko alam na may backup pala si Sir Lim para sa lead na sinusundan ko the whole time.

"M--ma? Ano po ginagawa niyo dito?" Nagtatakang pagtanong ni Paulo sa kanyang ina.

"Nak, sabihin mo lang ang totoo. Yan ang makakatulong sayo-sa atin sa mga problemang dala-dala mo ngayon." Sagot naman nito sakanya.

Natahimik ito saglit at tuluyang naistatuwa nang makita si Mrs. Ramirez. Tila palaisipan pa rin sa kanya kung paano at bakit napunta ang Mama niya dito.

"Tara, Paulo. Umupo ka na rito dahil magsisimula na tayo." Nakangiting bati naman ni Sir Lim sa kanya.

'Di katatalan ay inalayanmalis inalayan ko na si Mrs. Ramirez palabas para obserbahan ang mga magiging pagtugon ni Paulo sa mga kasagutan ni Sir Lim.

At sinimulan niya na nga ang interrogation. Kasabay ang paglabas niya sa nakuha naming tula at ipinakita kay Paulo.

"Alam mo ba kung ano 'to?" Panimulang tanong ni Sir Lim kay Paulo.

"Malay ko ba? Ano yan? At ano ba ang kinalaman niyan sa akin?" Pabalang niya pang sagot.

"Ito ang huling sinulat ng ate mo, bago niyang kinitil ang sarili niyang buhay. Alam mo ba ang dahilan ng kanyang pagpapakamatay?"

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezWhere stories live. Discover now