Chapter 57- Liwanag sa Dilim

115 4 0
                                    

Teresita's POV
-----------

Napakadilim sa Joaquin Robles Road. Walang mga ilaw, wala ring mga bahay. Napakadilim, sana ay dadating ako sa oras. Kailangan kong tapusin to. Kailangan kong ayusin to.

Parang batang naliligaw sa kalagitnaan ng gabi. Hindi alam kung saan ako patungo. Kung makakalabas pa ba at muling makita ang mga nag-iilaw na gusali sa bayan.

Napakadilim sa Joaquin Robles Road. Sobrang dilim...

Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin roon. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayare at kung ano ang aking gagawin kung sakali.

Bigla akong napaisip...
Hindi ko parin maintindihan kung paano o bakit ako napasok sa sitwasyon na ito.

Pero bigla akong natandaan. Ah...oo, natatandaan ko na.

----------

Wala parin akong ganang pumasok sa trabaho matapos mangyare ang lahat nung nakaraang linggo. Ang parehong linggo kung saan nasa sick leave ako, dahilan kung bakit hindi na ako pwedeng umabsent, wala akong magawa kundi pumasok ngayon. Tawag nang tawag sa akin si Sameer ngunit hindi ko siya sinasagot. Ewan, wala akong gana sa lahat. Hindi pa rin kami nagkikibuan ni Audrey nang dahil sa ginawa siya sa akin nung kamakailan lang. Iniwasan ko na siya magmula noon at ganoon din naman siguro ang ginagawa niya.

Umalis muna ako sa front desk at pumunta na muna saglit sa smoking area. May ilang mga empleyado ang naroon. Doon muna ako tumambay saglit habang hindi pa nagsisimula ang trabaho.

Tawag nang tawag pa rin si Sameer.

Hindi nagtagal ay bumalik na ako sa loob ng opisina upang makapag-umpisa na. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nakalimutan ko, magkatabi pala kami ni Audrey sa pwesto. Nahahagilap ko paminsan-minsan ang titig niya sa akin ngunit umiiwas naman siya sa tuwing napapalingon ako sa kanya. Para bang may nais siyang sabihin sa akin ngunit hindi niya magawa. Malamang kami na ang center of attraction ng mga ka-officemate namin dahil usually kasi, kaming dalawa ang pinakamaingay at masayahin lalo na tuwing break. Malamang pinag-uusapan na rin kami ng mga to.

Maya-maya pa ay may lalaking umupo sa harapan ng desk ko. May ka-edaran na rin ito. Akala ko nga si Papa dahil medyo pareho sila ng pigura maging sa hawi ng buhok. Nginitian niya ako at ginantihan ko rin siya pabalik at binati kahit na wala talaga akong ganang magtrabaho.

"Good morning, Sir. How can I help you, po?" Bati ko pa sakanya.

"Good morning rin, Miss. Nais ko sanang magloan ng two million pesos. Nagpapatayo kasi kami ng isang simbahan. Lumalago na kasi ang mga myembro ng congregation at kailangan nang magkaroon ng lugar kung saan kami magtitipon-tipon. Ang kaso, medyo nakulangan na kami sa budget eh." Sagot pa nito sa akin.

"Ganon po ba, Sir? Okay, po. Bale ganito po ang gagawin natin, fifillup-an po ninyo itong mga papers na to, tapos..." Pagpapatuloy ko pa. Binigyan ko siya ng mga papeles at iba pang mga forms, mga kailangang gawin upang maiproseso ang kanyang paglo-loan.

Nagpatuloy na lamang ako sa pagtatrabaho na parang isang ordinaryong araw lamang ito ng buhay ko. Na parang ordinaryo pa rin ito...

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezWhere stories live. Discover now