Chapter 35- Paggising

135 7 2
                                    

Perspektibo ni Tamayo
_______________

2 weeks na ang nakalipas. Wala pa ring signal dito. Halos ikutin ko na ang buong Caragao, hindi pa rin bumabalik ang signal. Naghihintay lang ako rito para makatawag kay Riza—para humingi ng update sa kalagayan ni Sir.

Labas-masok ako sa istasyon ng Caragao at iba pang opisina ng gobyerno para alamin ang kinaroroonan ni Sameer, pero wala akong ibang nakukuha kundi pagod at sakit ng ulo. Kasabay din nito ang pagtatanong-tanong ko kay Chief Bernales kung matetrace kaya nila ang taong ito.

Tinignan ko ang mga papel na pinagsulatan ni Sir.

"Roberto Tuazon"

'Di ko kilala kung sino ang Roberto Tuazon na 'to. Pero kung sino man ito ay alam kong may papel din siya sa imbestigasyon namin. Sa katunayan nga ay inilista ko na rin siya bilang isa sa mga person-of-interest.

Kagaya ko ay may mga letra ding binuo si Sir Lim na parang scrabble, at do'n nga niya nakuha ang pangalang ito. Ang problema lang ay hindi gumagamit ng journal si Sir, kaya siya lang ang tanging nakakaalam tungkol sa mga pangalan at lead na kanyang sinusundan.

----------

Naglalakad na ako patungong istasyon nang sakto ring nakasalubong ko ang isa sa mga Pulis ng Caragao. Aniya, pinapatawag umano ako ni Chief Bernales dahil may importante umano kaming pag-uusapan. Sa isip-isip ko pa ay baka natunton na nila si Sameer, at ibibigay na nila ang address nito sa akin.

No'ng makarating na ako sa istasyon, inalok ako ni Chief para umupo sa kanyang harapan.

"Nahanap na namin kung saan siya nakatira..."

Yun pa lamang ang sinabi niya pero sobrang nabuhayan nako ng loob para sa araw na 'to

"Napag-alaman din namin na may criminal record na pala siya rito, noong nag-usisa kami sa mga lumang dokumento—dahilan para ma-trace namin siya. Arson at Homicide ang kanyang naging kaso noon, pero kalaunan ay nakalaya rin siya. Isa siyang Indian-national na nagstay na rito sa Pilipinas simula noon." Dagdag pa ni Chief.

Nang sinabi ito ni Chief ay nabahala rin ako agad. Kailangan ay maging mas maingat ako sa pagkompronta sa tao na 'to, gayong may criminal record na pala ito. At 'di lang isa, kundi dalawang kaso pa ang nasa kanyang record.

"Mahahanap mo siya sa room 28 ng Roadside Apartment. 4th Street, Ocampo. Papasamahan kita ng dalawang pulis, para masiguro na magiging matiwasay ang pag-interrogate mo sa kanya."

"Sige po, Sir. Maraming salamat, pero kaya ko na po ito nang mag-isa. Tsaka isa pa, baka mapressure siya pag nakitang marami kami ang kukompronta sa kanya." Sagot ko pa sa kanya.

"Kung ganu'n, mag-iingat ka."

Matapos nito ay umalis na rin ako ng kanyang opisina at agad na tinungo ang address na kanyang binigay sa akin.

----------

Dumating na ako sa address na binigay ni Chief. Napakalayo pala nito.
Medyo kinakabahan ako sa kung ano ba ang pwedeng mangyari sa pagkompronta ko sa taong ito.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezWhere stories live. Discover now