Chapter 34- Sulat sa Likuran

132 7 3
                                    

Perspektibo ni Andre
_______________

Ilang araw na ang lumipas matapos kong makuha yung picture namin. Hindi pa rin ako mapalagay gayong alam ko na may nagbablackmail sa akin—pakiramdam ko ay may kutsilyong nakatutok sa leeg ko. Hindi ko alam kung ano ang trip ng sinuman ang kumuha sa amin ng pic, pero isa lang ang nasisiguro ko. May alam siya tungkol sa nagawa namin ni Ate no'ng gabing yun. Hanggang ngayon, kinakabahan ako lalo na't sa school ko lang itong nakita.

Hindi nako lumalayo kina Bryan dahil alam kong may nag-oobserve lang sa akin sa 'di kalayuan. Mas gusto ko pang bigyan ako ng penalty slip kesa makatanggap ng nakakakilabot na karta. Iba ang inaakala kong pakay ng sinuman itong stalker na 'to, langya.

Hindi ako alam kung ano ang gaagwin ko—kung itatago ko na lang 'to, o sasabihin ko na kina Mama at nang maisumbong na na nila sa mga Pulis. Sa ngayon kasi, si Xandra na lang muna ang napagsasabihan ko. Nakikinig din naman siya, eh. At isa pa ay nagbibgay siya ng kanyang saloobin tungkol dito.

Pero naalala ko, doon nanggaling ang picture sa dating nasunog na building. At sa likod ng building na yon, ang naging tambayan nina Oliver, kung saan namin sila binugbog. Kaya kung sakali na siya nga ang nasa likod na 'to, ibig sabihin ay pamamlastik lang ang pakikipag-bati niya sa akin. Kailangan ko siyang komprontahin para malaman kung naging totoo nga ba talaga siya no'ng nakaraang araw.

"Andre? Eyes on your paper!" Paninita pa ni Sir Rodel sa akin. Tangina, na-shoutout pa ako. Nakalimutan kong may exam pala kami ngayon, kaya kung saan-saan napapadpad yung paningin ko.

"Okay, 10 minutes remaining." Dagdag pa niya.

Ayaw kong iwan ang papel nang blangko, kaya sumagot na lamang ako ng kahit ano, para mairaos ko ang exam na 'to. Bahala nang pagtawanan nila ako kapag bumagsak ako rito, minsan lang naman mangyayari ang mga ganyan.

Matapos yun ay nagring na ang bell. Lunch break na kaya pinasa na namin ang mga papel at isa-isang umalis ng classroom para tumungo sa canteen. Syempre pa ay sabay-sabay kami ng boys na lumabas at do'n nila pinag-uusapan ang mga naging sagot nila.

"Huy! Bakit ang tahimik mo diyan?" Biglang tanong sa akin ni Bryan—dahilan para bumaling ang atensyon nilang lahat sa akin habang nakasunod lang ako sa kanila sa likuran.

"Tahimik yan dahil hindi nakasagot kanina." Dagag naman ni Lawrence

"Tangina ang lalayo niyo rin kasi kanina." Pagmamaang-maangan kong sagot, kunwari wala akong iniisip na mabigat.

Nasa may pintuan na kami ng canteen nang bigla kong nahagilap si Vanessa. Siya lang mag-isa no'n kaya sinubukan ko siyang habulin para tanungin kung nasaan si Oliver. Pero no'ng makarating na ako roon sa kinapupuwestuhan niya kanina ay wala na siya roon.

Paglingon ko, nasa likod ko na pala si Eric.

"Ano ba'ng nangyayari sayo?"

Hindi ko na siya sinagot at pasimple na lamang akong naglakad patungo sa kanila.

----------
11 pm, nasa kwarto ako ni Xandra at nag-uusap kami tungkol sa nangyari, gaya no'ng una.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon