Chapter 17- Pag-apula sa Apoy

187 5 0
                                    

9:30 na ng gabi noong nakauwi si Macario sa kanila. At tulad kahapon ay galing na naman ito sa pag-iinom, pero sa pagkakataong ito ay matiwasay naman ang pag-uwi niya.

"Good evening po, Sir." Bati pa ni Xandra sa kanya matapos siyang pagbuksan ng gate.

"Good evening din, iha. Si Andre, nasaan?" Tanong pa ni Macario sa dalaga.

"Nasa kwarto na po, baka natutulog na. Kanina niya pa po kasi kayo hinihintay." Sagot naman nito.

Pagkapasok niya ng bahay ay dumiretso agad siya sa basement—kung saan niya tinatago ang kanyang mga armas. Hindi niya alam kung bakit napapadalas na rin ang pagpunta niya rito, na tila ito mismo ang tumatawag sa kanya para bumaba at tignan ang mga baril na nakatago sa isang malaking aparador na gawa sa kahoy.

"Pa, bakit may baril kang tinatago diyan?" Ito ang natatandaan niya na tinanong sa kanya ng mas bata pa noon na si Teresita, labing-dalawang taon ang nakaraan.

Ito rin ang unang beses nito nakita ang kanyang mga tinatago sa basement, dahil nakalock lagi ang aparador nito—at paminsan lamang niya ito pinupuntahan.

"Kailangan lagi tayong handa dahil hindi tayo nakakasigurado sa panahon, sa oras na may panganib." Ito naman ang natatandaan niyang naging sagot sa kanyang anak.

"Wag niyo po yan ipakita kay Andre, baka mapagkamalan niyang laruan yan." Ito ang naging pag-uusap nila noon ng kanyang anak. Hindi mapigilan ni Macario ang maluha habang hawak-hawak ang revolver na kanyang nililinisan habang inaalala ang mga yun.

"Napakawala naman palang kwenta ang mga baril na 'to, ni hindi ko nagawang protektahan ang sarili kong anak noong dumating na ang panganib na pinangako kong paghandaan." Bulong pa niya sa sarili.

"Pa? Bakit ngayon ka lang umuwi, saan ka nanggaling?" Napalingon si Macario kay Andre na nakatayo sa may pintuan ng basement. Agad niyang pinunas ang luha niya at itinago ang kanyang hawak na baril sa loob ng aparador.

"Doon sa bahay ng Tito Jonathan mo." Sagot pa niya sa kanyang anak.

"At si Mama, Kailan po siya babalik?" Pahabol na tanong ni Andre sa ama.

"Hindi ko pa masasagot yan, Andre. Hindi ko pa nga siya nakakausap mula noon."

"Ano po ang balak niyo ngayon, hayaan niyo na lang po ba siya na ganoon?"

"Ano ang magagawa ko, Andre? Ginusto niyang umalis, kaya hinayaan ko na lang siya. At isa pa, hindi ko na rin alam kung babalik pa siya. Kaya pakiusap, Andre. Masyadong marami na akong problema ngayon at pagod na pagod ako, wag mo na muna akong kausapin, pakiusap." Nananamlay niyang sagot sa mga tanong ni Andre.

Matapos yun ay padabog na umalis na si Andre at umakyat na sa taas. Bakas sa mukha nito ang labis na pagka-inis pagkaka-dismaya—gawa ng naging sagot ng kanyang ama. Matapos din yun ay niligpit na ni Macario ang iba pang gamit na nakalapag sa sahig. Nang walang anu-ano ay bigla niyang sinipa ang kanyang upuan. Tumilapon ito sa kabilang bahagi ng basement at halos mabali na ang paa nito sa pagkakabagsak.

Napahagulgol siya sa kanyang pag-upo sa sahig, dahil maging siya ay hindi na alam kung ano ang gagawin. Kaliwa't kanan ang mga pagsubok na dumating sa kanya at pakiramdam niya ay wala na siyang masandalan. Patuloy lang ang kanyang pag-iyak hanggang sa hindi niya namamalayan na unti-unti na pala siyang napapaidlip.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezWhere stories live. Discover now