Chapter 44- Pagtakas Mula sa Pagkakasali

123 6 5
                                    

"Ano ang balita sa pinuntahan niyo kahapon?" Tanong pa ni Sir Lim sa akin noong makarating ako sa kanyang opisina.

"Mabuti na lang at naging maayos ang lahat kahapon. Kaso..." Ang naging sagot ko sa kanya.

"Kaso, ano?"

"May bagong suspect na naman ang lumitaw, Sir."

Halos mabulunan si Sir Lim sa kanyang iniinom na kape nang marinig ang sinabi ko sa kanya. Aaminin ko na halos matawa ako noong mga oras na yon noong makita ang kanyang reaksyon.

"Ano?! Sino?"

"Alyas lang ang binigay sa amin ni Sir Rodel. May isa umanong lalaki ang nagngangalang 'Ton-Ton' na pumunta sa bahay niya nang madaling araw. Binantaan umano siya nitong Ton-Ton na 'to na papatayin kapag nagsumbong daw siya sa atin. Isa pa ay binanggit din niya na ito umano ang nagbigay-alam sa kanya tungkol sa nabundol na pulubi nina Andre noong oras ding yon-kaya raw galit na galit siya sa kanila. Aniya, malapit daw ang pulubi ito sa kanya." Pagsa-summarize ko sa mga napag-usapan namin noong interrogation.

"Aba! Ang labo naman ng kanyang testimonya. Kasi sa halip na takutin niya yung bata, bakit 'di nalang siya dumaan sa tamang proseso? Kaya medyo hindi ako sigurado sa mga sinabi ng guro na yan. Baka bukas-makalawa, front niya lang yan para sa mas malaki at komplikadong pagkakasangkot."

"Wag po kayong mag-alala, Sir. Pinapa-surveillance ko na siya. Guwardiyado na ang bawat paligid ng bahay niya, maging ang bawat galaw niya, kaya malabo na rin na may gagawin pa siyang hindi maganda. Isa pa ay para sa proteksyon niya na rin gawa ng pagbabanta sa kanya nung Ton-Ton." Giit ko pa kay Sir.

"Mabuti naman kung ganoon."

Matapos yun ay ibinaling namin ang atensyon namin sa bulletin board, kung saan naroon ang mga litrato at pangalan ng mga possible suspect. Hindi na namin alam kung alin ba sa kanila ang tunay na salarin-sa dami ba naman ng mga pangalang lumalantad.

"Sir, yung Boss ni Teresita, palagay ko ay may involvement din yata sa pagkawala niya." Dagdag ko pa na siyang ikinagulat naman ni Sir.

"Paano mo naman nasabi?!" Aniya, habang kinakamot ang ulo niya dahil sa sobrang stress.

"Base sa huling diary na nakuha ko, may nakasulat doon na tungkol sa isang tinatawag niyang 'Sir'. Hindi nga lang ako sigurado kung Boss niya ba ito sa opisina dahil nga sa tipid ng impormasyon. Pero spineculate ko na may kinalaman din siya sa pagkawala ni Teresita."

"Ganito, isa-isahin na lang muna natin ang lahat ng suspect at mas mariin nating suriin ang pagkaka-ugnay nila sa nangyari. Gusto kong mabasa muli ang diary na yan para masuri ko pa lalo ang konteksto ng pagsasaad ni Teresita tungkol sa tao na yan." Ayon pa kay Sir Lim na tila hindi na mapakali sa mga naibunyag ko sa kanya sa araw na ito.

"Maliwanag po, Sir."

"Pero itong si Sir Rodel, kailangan ko siyang pormal na mainterrogate. Kaya dalhin mo siya rito immediately-kasabay nina Paulo at Audrey." Dagdag pa niya.

"Opo, Sir."

"Tara, magtrabaho na tayo. Marami pa akong iinterrogate."

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezWhere stories live. Discover now